Mga magpipinsang artista na anak ng mga sikat sa showbiz, kilalanin natin!



Kylie Padilla at Bela Padilla


Si Kylie Nicole Sicango Padilla-Abrenica ay 26 taong gulang na aktres, modelo, at recording artist. Siya ay kilala ng marami bilang si Kylie Padilla na anak ni Robin Padilla.



Si Krista Elyse Hidalgo Sullivan o si Bela Padilla ay 28 taong gulang na aktres, screenwriter, occasional host, at modelo. “First cousin” ang nanay ni Bela at ang ama ni Kylie na si Robin kung kaya naman naging second-degree cousin ang dalawa.




Isabelle Daza at Danielle Daza




Si Isabelle Diaz Daza-Semblat ay 31 taong gulang na aktres, host, at modelo. Kilala siya bilang anak ni Miss Universe 1969 titleholder Miss Gloria Diaz. Pinsan ni Isabelle ang modelo na si Danielle Daza na anak ng sikat na chef na si Sandy Daza na nakababatang kapatid naman ng ama ni Isabelle na si Bong Daza. Aakalain niyo ba na marami na din talagang tagahanga si Danielle dahil bukod sa napakaganda nitong modelo ay siya rin pala ang nobya ni Parker Soriano na kapatid naman ni Paul Soriano na mister ni Toni Gonzaga.


Dominique Cojuangco at Claudia Barretto






Hindi rin naman maipagkakaila na nasa lahi nina Dominique Cojuangco at Claudia Barretto ang kagandahan mula sa kanilang mga ina na sina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto na kilala rin na magkapatid sa tunay na buhay.

Winwyn Marquez at Michelle Dee


Si Teresita Ssen Lacsamana Marquez o mas kilala bilang si Winwyn Marquez ay 27 taong gulang na aktres, modelo, mananayaw at beauty queen na kinoronahan bilang kauna-unahang “Reina Hispanoamericana Filipinas” sa ginanap na Miss World Philippines 2017 pageant at kalaunan ay nagawagi din bilang “Reina Hispanoamericana 2017” sa Santa Cruz, Bolivia noong Nobyembre 2017. Pinsan niya din ang Miss World Philippines 2019 na si Michelle Dee.



Ang ama ni Winwyn na si Joey Marquez at ang ina ni Michelle na si Melanie Marquez ay magkapatid.





error: Content is protected !!