South Korea travel goals kahit walang visa? Alamin kung paano nga ba!



Marahil ay marami sa atin ngayon ang nangangarap na makarating sa South Korea. Habang ang iba naman ay nagpaplanong hanapin ang kanilang “Oppa” sa kamangha-manghang lugar na ito. Tiyak na maliligayahan ang sinumang mamasyal dito lalo na yung mga tao na mahilig manuof ng nga Korean Dramas! Tama ba? Dahil karamihan sa mga palabas na ito ay kinunan mismo sa mga pamosong lugar sa South Korea. Tiyak na mararamdaman mo na nakarating ka mismo sa mundo ng Korean Drama na iyong pinakatututukan.



Ang embahada ng “Republic of Korea in the Philippines” ay nagpalabas ng napakagandang balita nito lamang Huwebes na mayroong tatlong mga paraan upang makapagbiyahe sa South Korea kahit wala kang visa! Ayon sa kanilang website, ang mga taong maaaring mag-avail ng visa-free entry ay mga turista patungo sa ikatlong bansa, mga “foreign transfer passengers”, at ang mga magbibiyahe patungong Jeju area.

“TOURIST IN TRANSIT TO THIRD COUNTRIES”
Ang mga turistang bumabiyahe sa nga “third countries” ay papayagang makapasok sa South Korea nang walang bisa maliban lamang sa 24 na mga bansang hindi kasali sa listahan.


“FOREIGN TRANSFER PASSENGERS”
Ang mga ito ay “general transfer passengers” o yung mga pasaherong nag-transfer mula sa Incheon Airport o yung mga kabilang sa “Transit Tourist Program” patungo sa kanilang third country o bansa na kanilang pinanggalingan. Ngunit hindi pa rin kasama dito ang 24 na bansa na wala sa listahan.
“VISA-FREE ENTRY TO THE JEJU AREA”
Maaari din bumiyahe ang mga turista sa Korea kahit wala silang visa kung sila ay magtutungo mismo sa Jeju Island. Hanggang 30 araw lamang sila maaaring manatili doon upang ma-enjoy ang kapaligiran at ganda ng lugar kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.


South Korea, as mayroong opisyal na pagkakakilanlan bilang “Republic of South Korea”. Ang salita na Korea ay mula sa salitang “Goguryeo” na isa sa pinakamakapangyarihan noon sa Silangang Asya. Seoul ang kapital nito na itinuturing din bilanv isa sa mga “global city”. Kalahati ng mga mamamayan ng Korea, higit sa 51 milyong populasyon niyo ay naninirahan sa Seoul Capital area na ikaapat sa “largest metropolitan economy” sa buong mundo.






error: Content is protected !!