Lalaki na nagbayad ng P500 sa dyip, sinuklian ng barya ng tsuper! Umani ng maraming mga komento mula sa publiko!



Marahil ay marami na sa atin ang nakaranas na maging isang pasahero ng mga pangpublikong sasakyan. Hindi na bago sa atin ang mga katagang “Barya lang po sa umaga.” Ito ay sa kadahilang wala pang pangpalit o pangsukli ang mga tsuper ng dyip o di kaya naman ay mga konduktor ng bus na maagang bumibiyahe.



Maging ang mga driver ng tricycle at mga van ay ganito din naman ang sentimiyento. Ang pagkakaroon din ng barya na pangbayad ng mga pasahero ay malaking tulong upang hindi na maabala pa masyado ang pasahero at ang driver o di kaya naman ay ang kundoktor.

Ngunit tila hindi inakala ng netizen na ito na siya ang mas maaabala nang siya ay magbayad ng 500 piso sa isang dyip dahil sa sinuklian din naman siya ng tsuper nito ng puro barya. Ang netizen ay nakilala bilang si Jhony Bandiwan Jr. Ayon sa kaniya, inakala niyang hindi na siya pagbabayarin pa ng tsuper dahil sa malaking halaga ang ibinayad nito sa kaniya. Ang hindi niya alam ay mas nakahanda pala ang driver dahil sa mayroon itong pangsukli sa 500 piso niyang ibinayad dito.


Ang Facebook post na ito ay mayroon nang 4,200 na mga reaksyon, 131 na mga komento, at higit sa 7,000 na mga shares habang isinusulat ang artikulp na ito. Kinatuwaan naman ng maraming mga netizens ang viral post na ito dahil sa marami talaga sa atin ang nakaranas na nito. Tunay ngang mas mainam ang magdala ng sapat na halaga ng pamasahe o di kaya naman ay kahit na maliit na halaga lamang ng salapi upang hindi na maabala pa o makaabala pa ng ibang tao. Tiyak na magdadalawang-isip na tayo ngayon bago pa man gumawa ng ganitong mga uri ng bagay at nang hindi na tayo matulad pa sa sinapit ni Bandiwan.