Cheska at Doug Kramer pinabilib ang publiko sa kanilang sariling “vegetable garden”!



Ang “Urban agriculture”, “urban farming”, o “urban gardening” ay ang proseso ng pagtatanim at pagpapalaki ng anumang uri ng halaman, prutas o gulay sa loob ng isang lungsod. Madalas na makakakita tayo nito sa mga terasa at pasimano ng ating mga bahay, apartment, condominium, at sa mga bubungan ng mga gusali.



Kung dati-rati ay imposibleng makagawa ng ganitong uri ng pagtatanim sa ating mga tahanan, ngayon ay talaga namang marami nang mga ideya at mga konsepto ang nabubuo tulad na lamang ng “vegetable garden” na ito ng mag-asawang celebrity na sina Cheska at Doug Kramer.


Nagpasilip ang mag-asawa sa sarili nilang “urban farming” sa kanila mismong tahanan. Mayroon silang panananim ng iba’t-ibang gulay at prutas dito na tinawag din nilang “growcery”. Dahil sa halip na mamili sila sa grocery ay mayroon na silang sariwang mga prutas at gulay sa kanila mismong bakuran.


Tunay nga na mas ligtas at sariwa ang mga ito dahil sila mismo ang nagtanim at nagpalago. Sino ba naman ang hindi magnanais ng “organic” na mga pagkain para sa kanilang pamilya? Umani ng napakaraming mga positibong komento at reaksyon mula sa publiko ang kanilang munting gulayan at talaga namang mas maraming mga tao ang naingganya na magkaroon din ng sarili nilang munting gulayan sa kanilang tahanan.



Tiyak na mas marami pang mga tao ang mahihikayat na magtanim sa kanilang tahanan lalo na ngayon na laganap na ang mga sakit at karamdaman gayundin ang mga kemikal na inilalagay ng ilan sa mga prutas at gulay na nabibili natin sa palengke o sa mga grocery stores.

Sina Cheska at Doug Kramer ay isa sa pinakasikat na mag-asawa sa industriya ng show business ngayon. Dating aktres at modelo si Cheska habang propesyonal na basketbolista naman si Doug. Biniyayaan sila ng tatlong mga anak sina Kendra, Scarlet, at Gavin na mahal na mahal ng publiko at patuloy na sinusubaybayan ng maraming mga netizens.




error: Content is protected !!