Misis na humiling ng iPhone 11 Pro Max sa Fb, sinorpresa ng mister!



Sa panahon ngayon ay maraming mga tao ang nagnanais makapagpundar ng sarili nilang mga bahay at lupa, sasakyan, o di kaya naman ay mga mamahaling bagay na magagamit nila sa pang-araw-araw nilang buhay. Kagaya na lamang ng nga computer set, laptop, o di kaya naman ay cellphone. Kamakailan lamang ay marami ang natuwa at nanabik dahil sa paglalabas ng bagong cellphone ng isang sikat na brand ng mga mamahaling gadgets. Ang iPhone 11 Pro Max ay tinatayang nasa P67,990 hanggang P95,990 at talaga namang nakakalula ang ganitong halaga ng salapi lalo na kung isang cellphone lang naman ang iyong bibilhin.



Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na mainggit ang karamihan sa misis na ito na sinorpresa ng kaniyang mister ng isang mamahaling cellphone! Siya ay walang iba kundi si Christine Luarca na nagpost ang humiling lamang sa kaniyang social media account ng nasabing cellphone at hindi niya inaasahang ibibili siya ng mister niya nito! Ang kaniyang mister na si Alfhie Vilela ang agad na nagcomment sa hiling ng kaniyang misis.


Noong umpisa ay tila hindi pa magawang maniwala ni Christine sa asawa. Nagbiro pa nga ito na kung hindi totoo ang kaniyang sinasabi ay wala nang anak si Alfhie. Ang nakakatawang sagot naman sa kaniya ng mister ay kung sakaling totoo nga ito ay aanakan niya muli si Christine na tila ba humihiling na kaagad ng isa pang supling.


Maraming mga netizens naman ang nag-tag sa kani-kanilang mga mister sa pagbabakasakali na makaramdam din ang kanilang mga mister at sorpresahin din sila sa darating na Pasko. Tunay nga na deserve ng ating mga misis ang bigyan sila ng kahit maliit na sorpresa hindi lamang tuwing Pasko kundi sa mga araw din na hindi nila inaasahan upang kahit papaano ay mabawasan man lamang ang pagod nila sa araw-araw na pag-aasikaso at pag-aalaga sa kanilang mga pamilya.





error: Content is protected !!