Kristine Hermosa hinangaan ng mga netizens dahil sa husay niya sa pagmemake-up!



Si Anna Kirsten Esmeralde Hermosa Orille o mas kilala ng publiko bilang si Kristine Hermosa-Sotto ay 36 na taong gulang na aktres at modelo na mas nakilala pa ng publiko dahil sa mahusay niyang pagganap sa “Pangako Sa ’Yo”, “Sana’y Wala Nang Wakas”, at “Dahil May Isang Ikaw”.



Siya ay mayroonng palayaw na “Tin-Tin” at pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Ginamit niya ang apelyido ng kaniyang ina sa pagkadalaga na “Hermosa para sa kaniyang pangalan sa showbiz na ang ibig sabihin ay maganda sa Espanyol. Taong 2004 nang ikasal siya sa aktor na si Diether Ocampo ngunit ang kanilang kasal ay napawalang-bisa din ng Enero 30, 2009. Enero ng 2011 naman ng ikasal siya sa kaniyang mister na si Oyo Boy Sotto at sila ay biniyayaan ng apat na mga anak na sina Ondrea Bliss Sotto, Marvic Valentin Sotto II, Kristian Daniel Sotto, Kaleb Hanns Sotto.




Hindi na madalas makita ang aktres sa harap ng kamera ngayon kung kaya naman sa social media na lamang siya nasusubaybayan ng kaniyang mga tagahanga. Kamakailan lamang ay napabilib niya ang mga netizens dahil sa husay niya sa pagmemake-up. Bukod sa angking kagandahan at talento sa pag-arte ay mahusay din pala siyang magmake-up. Nagbahagi ng isang video ang kaniyang kapatid na si Kath sa kaniyang Youtube channel nito lamang December 9 kung saan makikita ang natatagaong talento ni Kristine.




“One of my favorite things to do is to bond with my sister Kristine! Come join us as we talk about sisterhood, make up and everything else under the sun!” Ito ang nakasaad sa description box ng kaniyang video na mayroong pamagat na “Kristine does my make up!” Sa umpisa ng video ay makikitang inihahanda ni Kristine ang balat ng kaniyang kapatid para sa mga ilalagay nitong make-up sa kaniya.




Sa pagtatapos ng video ay talaga namang nagulat ang publiko dahil sa aakalain mong propesyonal ang nag-ayos at nagmake-up kay Kath. Umani ito ng maraming mga positibong komento at reaksyon mula sa publiko.






error: Content is protected !!