Labis na nagalit ang mga netizens sa pagkakamali ng broadcaster na ito ngunit agaran din naman nilang napatawad nang malamang sobrang ganda at balingkinitan pala nito!



Kapag ikaw ay isang “broadcaster” o “journalist” hindi ka dapat makagawa ng kahit ano mang pagkakamali sa linya ng iyong trabaho dahil sa panahon ngayon na laganap na ang social media ay talaga namang aani ka ng labis labis na panghuhusga mula sa publiko! Inaasahan ang mga “broadcaster” o “journalist” na gagawin nila ang kanilang mga trabaho ng maayos at tama para na rin sa mga tao na nanunuod sa kanila.



Kinakailangan nilang magpahayag lamang ng mga katotohan at sadyang napakaliit lamang dapat ang tyansa nila na magkamali. Dahil kung hindi, malaki ang magiging epekto ng pagkakamali nilang ito sa balita na kanilang isinasapubliko.


Kamakailan lamang ay talaga namang umani ng samu’t-saring batikos ang isang journalist na ito dahil sa nagawa niyang pagkakamali sa kaniyang trabaho. Siya ay nagtatrabaho sa isang “Chinese publication” na BD NEWS. Siya ay ang sports journalist na si Xing Chengbo na maraming naging pagkakamali sa pagko-cover niya sa EAFF E-1 Football Championship. Ito ay dahil gumamit siya ng maling mga “Chinese characters” na naging dahilan upang maging “grammatically incorrect” ang kaniyang mga pahayag. Ngunit ang higit pa rito ay nagkamali din siya sa mga pangalan ng 23 national footballers kung kaya naman kinuwestiyon ng marami ang kaniyang kwalipikasyon sa kaniyang trabaho.


Marami ang nagsasabi na dapat ay naisagawa niya ng maayos ang kaniyang trabaho. Talaga namang nagulantang ang marami at napakamot na lamang ng ulo sa mga nangyari. Ngunit nang malaman nilang napakaganda at sobrang sexy ng babae ay agad agad naman itong pinatawad ng ganoon na lamang! Ito ay matapos kumalat ang mga larawan ng nasabing journalist habang nakasuot siya ng masikip na bistidang kitang-kita ang hubog ng kaniyang katawan. Marami ang mabilis na nagbago ng isipan at nalimutan na ang nagawang pagkakamali ng journalist. Tunay nga na ang panglabas na kaanyuan at estado ng isang tao ay malaking bagay sa paghusga sa kaniya ng ibang tao.





error: Content is protected !!