Categories: Showbiz

Maine Mendoza, ibinunyag na napag-uusapan na nila ng nobyo niyang si Arjo Atayde ang pagpapakasal!

Si Nicomaine Dei Capili Mendoza o mas hinahangaan ng publiko ngayon bilang si Maine Mendoza ay 24 na taong gulang na aktres, komedyante, host, television and Internet personality, manunulat, product endorser, at singer-songwriter. Siya ay nadiskubre at mas nakilala ng mga netizens dahil na rin sa kaniyang mga Dubsmash videos at ang kaniyang ginampanang karakter bilang si Yaya Dub sa noontime variety show na “Eat Bulaga!” sa isa sa mga segment nito na pinamagatang “Kalyeserye”. Ang “AlDub” ay nanggaling sa pangalan ng Kapuso actor and host na si Alden Richards at karakter ni Maine na si Yaya Dub.


Inakala ng marami na magiging magkasintahan ang dalawa ngunit talagang hanggang pagkakaibigan lamang ang kaya nilang ibigay sa isa’t-isa. Kung kaya naman labis na nagulat ang marami nilang tagahanga nang maugnay sila sa kapwa nila mga artista. Kamakailan lang din ng isapubliko ni Maine Mendoza ang kaniyang buhay pag-ibig at opisyal niyang ibinahagi sa publiko ang relasyon nila ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde. Tinanggap naman ito at sinuportahan ng kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay.


Sa nakaraang media conference para sa 2019 Metro Manila Film Festival Entry na “Mission Unstapabol: The Don Identity” ay tinanong si Maine Mendoza kung napag-uusapan na ba nilang magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal. Inamin naman ng “Daddy’s Girl” actress na napag-uusapan na nga nila ang paglagay sa tahimik. Ayon sa kaniya, napag-uusapan na rin nila ang mga ganitong bagay dahil sa hindi na rin naman sila bumabata pa.

Nagpasaring din ang Eat Bulaga host kung anong edad siya magpapakasal ngunit sinabi nito na dapat munang makapagpakasal ang kaniyang mga nakakatandang kapatid bago siya. Nagbiro pa nga ito na sa edad na 25 ay maaaring lumagay na siya sa tahimik. Ngunit paglilinaw niya ay 28-anyos talaga ang kaniyang “marrying age”, tamang tama dahil sa hinihintay pa niyang magpakasal ang kaniyang dalawang ate at isang kuya.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago