Categories: Showbiz

Host ng Wowowin na si Willie Revillame, nabighani sa angking kagandahan ng isa sa mga audience ng kaniyang programa!

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang magbigay ng papuri sa mga taong nakakapukaw ng ating atensyon. Maaaring siya ay maganda, gwapo, mabait, matalino, o kahanga-hanga lang talaga. Maraming mga bagay o ugali ng isang tao ang madalas na nagugustuhan natin. Dahil aminin man natin o hindi, tila ba kaunti na lamang ang mga taong may magagandang kalooban at magagandang mga mukha.

Lalo na sa panahon ngayon na talamak na ang mga alitan, pagsisiraan, at hindi wastong panghuhusga sa ating kapwa tao. Buti na lamang at hindi pa rin nawawala sa ating mga Pilipino ang pagmamahal at pagmamalasakit sa ating mga kapwa tao na siya ring nagiging isa sa mga pangunahing dahilan kung kaya nakakakita pa rin tayo ng mga magagandang ugali o aspeto ng mga tao sa ating kapaligiran.


Kamakailan nga lamang ay kinatuwaan ng publiko ang pagkabighaning ito ng sikat na host, komedyante, at negosyanteng si Willie Revillame sa isa sa kaniyang mga audience sa studio. Ang napakagandang dalaga ay nakilala bilang si Fenylle Victoria na diumano ay naninirahan sa Makati at tanging ang pamilya lamang niya ang kasama niyang magdiriwang ng kapaskuhan dahil sa siya ay walang asawa o nobyo.

Biro pa nga ni Kuya Wil ay tiyak na magiging malamig ang kaniyang Pasko kung kaya naman mas mainam pang maglutuan na lamang sila. Dahil sa mahilig magluto ang magandang dilag na ito at nagbigay pa nga siya ng sarili niyang recipe ng lasagna bilang patikim kay Kuya Wil.

Kinakiligan naman ng publiko ang usapan ng dalawang ito na tila ba pinagtagpo ng isa’t-isa. Maaari kayang magkaroon ng pagkakataon ang dalawa na maging magkaibigan, makapagpalagayan ng kalooban, at kalaunan at mauwi sa pagmamahalan? Batid naman ng marami na matagal na ring walang asawa o nobya si Kuya Wil at ayon na rin sa kaniya ay hindi masaya ang kaniyang buhay dahil tila mayroon pa ring kulang sa kaniya kahit pa taglay na niya ang tagumpay, kasikatan, at kayamanan na inaasam at pinaghihirapang maabot ng marami sa atin.

Source: GMA Network

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago