Itak ang ginamit ng tatay na ito upang maitaboy ang mapanirang buhawi sa kanilang lugar!



Sa panahon natin ngayon, sadyang marami na ring mga sakuna at kalamidad ang ating napagtagumpayan. Sa kabila ng hirap at pagsubok sa ating kinahaharap sa araw-araw sabayan pa ng mga kalamidad at sakuna na dinaranas ng ilan sa atin ay nakakatuwa pa ring malaman na ang bawat isa sa atin ay nagtutulungan at nagbabayanihan upang maging maayos at makaahon muli ang isa’t-isa.



Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang tatay na ito na gumamit ng isang itak upang maitaboy ang isang mapaminsalang buhawi palayo sa kanilang lugar. Bagamat walang ano mang siyentipikong paliwanag ang makapagpapatunay kung paanong naganap ang pangyayaring ito ay naging epektibo pa rin naman ang ginawa ng matapang na lalaki.


Ang viral na video ay kuha ng netizen na nakilala bilang si Arnel Bunyi na naninirahan sa Calapan, Mindoro. Maririnig sa kuhang video ang sigawan ng mga babae habang rumaragasa ang buhawi sa kanilang lugar.


Kasunod nito ay ang matapang na pagtataboy ng isang lalaki sa nasabing buhawi sa pamamagitan lamanng ng kaniyang itak. Buti na lamang at lumihis din ang buhawi at hindi na tuluyang nasalanta ang lugar na kanilang kinaroroonan ng mga oras na iyon.



Isang video pa ang makakakitaan ng mga bahay na nawasak at mga bubong na nilipad, maging ang ilang mga sasakyan ay hindi rin nakalampas sa hagupit ng nasabing buhawi. Talaga namang kalunos-lunos ang sinapit ng mga lugar na tinamaan ng buhawi.

Ayon sa ulat ng PAG-ASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), ang Mindoro ay isa sa mga probinsiyang dinaanan ng bagyong Ursula noong Pasko kung kaya naman marahil ay ito ang naging dahilan upang magkaroon ng mapaminsalang buhawi sa kanilang lugar. Sa mga ganitong panahon ng sakuna o kalamidad, nararapat lamang na mas unahin natin ang kaligtasan ng ating mga sarili, ng ating pamilya at ng mga mahal natin sa buhay.




error: Content is protected !!