Categories: Showbiz

Silipin ang napakaelegante at napakagandang tahanan ni Maja Salvador na matatagpuan sa Antipolo City!

Si Maja Ross Andres Salvador o mas kilala ng publiko bilang si Maja Salvador ay 31 taong gulang na aktres, mananayaw, mang-aawit, modelo, host at prodyuser. Binansagan din siya ng publiko bilang “Dance Princess”. Si Maja ay miyembro ng pamilya ng mga aktor katulad na lamang ng kaniyang ama na si Ross Rival at ang kaniyang tito na si Philip Salvador.

Taong 2003 nang magsimula ang karera ng aktres sa industriya ng show business kung saan nakapareha niya ang isa pang mahusay na aktor na si John Prats sa television series na “It Might Be You” na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Mas nakilala at minamahal pa siya ng publiko bilang si Ivy Aguas sa teleserye ng Kapamilya network na pinamagatang “Wildflower”. Ito ang naging simula ng mas mausbong pa niyang karera sa industriya. Talaga namang hinangaan at minamahal ng husto ng kaniyang mga fans si Maja at maging ang ilan sa kaniyang mga nakatrabaho nang artista ay sinasabing deserving ang aktres sa lahat ng tagumpay na tinatamasa niya sa ngayon. At dahil na rin sa kaniyang naging tagumpay ay nakapagpatayo na rin siya ng sarili niyang tahanan at para na rin sa kaniyang pamilya.


Isa sa pinakaunang investment ng aktres ang ipinatayo nitong bahay sa Antipolo Rizal. Mula pa noong 2010 ay naninirahan na ang aktres sa isang condo unit sa The Fort, Taguig. Ang kaniyang magara at eleganteng tahanan ay mayroong matataas na kisame at napakaluwag na hardin. Mayroon din silang “entertainment area” kung saan nila inaasikaso ang kanilang mga nagiging bisita.

Kulay puti at itim ang kulay ng kanilang tahana sa loob nito. Ayon sa aktres ay ninais niyang maging simple lamang ang kanilang tahanan ngunit mayroon pa ring ilusyon ng maluwag at maaliwalas na lugar.

Talaga namang marami ang nagkaroon ng inspirasyon upang magsumikap din sa buhay upang makamtan ang pinapangarap nilang bahay at buhay para sa kanilang mahal na pamilya.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago