Sana All: Isang bride nakatanggap ng isang milyong pisong cash na regalo ng kaniyang groom para sa araw ng kanilang kasal!



Madalas na tayong nakakapanuod ng mga wedding videos o di kaya naman ay nakakasaksi ng mismong kasalan na ating dinadaluhan kung kaya naman hindi na bago para sa atin ang naging kaugalian na pagbibigay regalo ng groom at bride para sa isa’t-isa sa mismong araw ng kanilang kasal. Ngunit ano nga ba ang pinakamainam at pinakamagandang regalo na maibibigay ng isang bride sa kaniyang groom o ng isang groom para sa kaniyang bride? Tunay nga na napakaraming mga bagay na maaaring mairegalo sa bawat isa ngunit kakaiba at talaga namang kamangha-mangha ang natanggap ng bride na ito mula sa kaniyang groom. Dahil nakatanggap lang naman siya ng P1,000,000 cash! Talaga namang mapapa-sana all kang talaga!



Ang wedding photographer na Team Benitez Photo ang nagbahagi ng larawan ng napakasayang bride habang tinatanggap nito ang regalo sa kaniya ng kaniyang mapapangasawa. Sa ngayon ay hindi pa nakikila ang bride ngunit habang naghahanda ito para sa kaniyang photoshoot ay sinabihan ito ng wedding coordinator na kailangan na niyang buksan ang inihandang regalo para sa kaniya ng kaniyang groom. Sino ba naman ang hindi magugulat at masosorpresa kung makakatanggap ka ng ilang mga lilibuhing pera na nakatali sa pink na laso?
“Now that’s a surprise wedding gift!!! Php1,000,000 cash!!! “Sana all” comments in 3, 2, 1, go! Hahaha,” ito ang naging caption ng wedding photographer sa larawan ng napakaswerteng bride na ito.

Talaga namang inulan at pinutakte ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang napakapalad na bride! Sa maikling oras na pagkaka-post ng viral photo na ito ay umani na ito kaagad ng higit sa 11,000 na mga reaskyon, higit sa 9,000 na mga shares at sangkatutak na mga komentong “sana all” ang karamihan sa mga nilalaman. Tunay nga na wala naman talagang katumbas na halaga ng salapi ang kasiyahang maaari mong maiparamdam sa iyong minamahal ngunit hindi rin naman masama ang paminsan-minsang sorpresa na tila ba kikiliti sa kaniyang pusong punong-puno ng pagmamahal para sa iyo.





error: Content is protected !!