Nancy ng Momoland at iba pang Korean idols tumulong sa paglilinis ng Manila Bay!



Si Nancy Mcdonie ng Momoland ay namataang tumutulong sa paglilinis ng Manila Bay. Si Nancy kasama sina Kim Jaehwan ng Wanna One at Yein ng LOVELYZ ay nakiisa sa “clean-up challenge” sa Manila Bay ng isang Korean show na mayroong pamagat na “Law of the Jungle show.” Pahayag ni Nancy, ang nasabing programa ay humahamon sa kanilang gawin ang iba’t-ibang mga pagsubok na dapat nilang malampasan.



“Law of the Jungle show is a variety show that you survive in the jungle, like with nothing, no phones, nothing. So you have to find your own food, your own water. And while we are here in Manila, they heard about Manila Bay, so we came here to clean some trash as much as we can,” pagbabahagi ni Nancy sa “Push”.

Naibahagi din naman ng sikat na Korean star na nalulungkot siya at tila nasasaktan ang kaniyang puso dahil sa naging kalagayan ngayon ng dating sikat na Manila Bay. Kinumbinsi din naman nito ang publiko na makipagtulungan at tumulong sa abot ng kanilang makakaya upang maisalba pa ang nasabing popular na lugar sa Maynila. Maging sa kaniyang personal na social media account ay nagpahayag din ng pagnanais si Nancy upang magtulong-tulong ang publiko sa ikasasaayos ng Manila Bay.



“I’m back safe and sound. Thank you for everyone that volunteered to help clean Manila Bay. I hope more people can actually see what’s really going on and help out for a better environment.” Pahayag ni Nancy sa kaniyang Instagram stories.


Si Alex Chang ng Philippine Broadcasting Production ay nauna nang nagbahagi sa publiko at naghikayat sa mga tao na sumama at maging mga “volunteers” upang tulungan si Nancy ng Momoland at ang soloist na si Kim Jaehwan sa gagawin nilang paglilinis sa Manila Bay noong Enero 24, Biyernes.



Isa sa mga tumulong at sumagot sa nasabing paanyaya ay si Shekinah Dadizon na ibinahagi ang kaniyang naging karanasan habang kasama ang mga paborito niyang Korean sa paglilinis ng Manila Bay.




error: Content is protected !!