Categories: Showbiz

Angeline Quinto, sanay pa rin sa simpleng pamumuhay kahit malayo na ang narating sa show business!

Si Angeline Quinto ay 30 taong gulang na mang-aawit, aktres, at tinanghal na kampeon ng “Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar” noong taong 2011. Isa rin siya sa mga mahuhusay na mang-aawit ng bansa na kabilang sa Filipino girl group na “DIVAS” kasama sina KZ Tandingan, Yeng Constantino at Kyla.

Si Angeline o mas kilala ng kaniyang mga kamag-anak bilang si “Angge” ay isinilang noong ika-26 na araw ng Nobyembre 1989. Ang kaniyang mga magulang ay sina Pop Quiros at Rosemarie Susan Mabao. Ayon sa ilang mga ulat, hindi na sana nais ng kaniyang ina na ipagbuntis pa siya dahil sa mapang-abuso nitong ama. Samantala, ang tiyahin naman ng kaniyang ama na si Sylvia Quinto ang nagkumbinsi sa ina nito na huwag na siyang ipalaglag at siya na lamang ang bahalang magpalaki sa bata.

Nang maipanganak si Angeline ay nagpakalayo-layo na ang kaniyang ina at ibinigay na siya nito kay “Mama Bob” habang ang kaniyang ama naman ay nagkaroon na ng ibang pamilya. Habang lumalaki ay batid ng singer na ampon siya at nagkaroon pa rin ng komunikasyon sa kaniyang ama ngunit hindi pa rin niya nakikilala ang kaniyang tunay na ina. Makalipas ang 20 taon ay nakilala na niya ito noong taong 2012. Siya ay pinsan ng singer-comedianne na si Rufa Mae Quinto. Marami din siyang sinalihan na mga singing contest sa kanilang lugar noon ngunit karamihan dito ay natatalo siya. Sa kabila nito ay hindi pa rin siya tumigil at ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang mga pangarap.


Sa kabila ng kaniyang mga pinagdaanan sa buhay ay talaga namang hindi matatawaran ang naging pambihirang katatagan ng singer sa mga pagsubok at hamon ng buhay na kaniyang kinaharap. Kahit pa sikat na siyang mang-aawit ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pagiging natural nito pagdating sa simpleng pamumuhay. Hindi na nga rin nakakapagtaka na kumasa siya sa “Overnight Kubo Challenge” kung saan siya ay maninirahan sa isang kubo sa loob ng isang araw at isang gabi.

Talaga namang bumilib ang maraming mga netizens sa pagiging simple ni Angeline at talaga namang kapansin-pansin din na wala itong arte sa kaniyang katawan kahit pa sabihin na mayaman na siya ngayon at isa na sa pinakasikat na celebrity sa bansa.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago