Tingnan ang patay na ilog na ito na mabubuhay muli matapos ang ilang segundo!



Ang desyerto ang isa sa pinakatuyong lugar sa mundo. Dahil na rin sa kakaibang panahon sa lugar na ito ay mayroon lamang ilang mga “species” ng hayop na kayang mabuhay at makatagal sa lugar na ito. Dahil sa ang lugar na ito ay itinuturing din na isa sa mga lugar sa mundo na halos wala nang tubig ay hindi na kataka-takang walang kahit anong anyo ng tubig dito. Ngunit talaga namang nagulantang ang publiko ng kumalat ang video na ito kung saan makikita na biglang magkakaroon ng tubig sa dati ay patay nang ilog ng desyerto na ito!



Ang naturang viral video ay mula pa sa Facebook Page na Viral TRND. Ang ilog na tinatawag na Zin river ay matatagpuan sa Negev desert sa Israel. Talaga namang mapapansin na tuyong tuyo na ito ngunit isang araw ay bigla na lamang nagkaroon ng tubig na biglang dumaloy dito na hindi rin mabatid ng mga tao kung saan nga ba talaga nagmula!


Ngunit paano kaya ito naging possible? Ayon sa viral na post, ang kakaibang pangyayaring ito ay dahil sa malakas na ulan mula sa bulubunduking bahagi sa lugar ngunit ilang milya pa ang layo nito sa mismong desyerto. At ang tubig baha na ito ang tila bumuhay nang muli sa patay na ilog!


Dahil sa kakaibang pangyayari na ito ay talaga namang labis na humanga ang maraming mga tao na nakasaksi sa himala ng isang patay na ilog na bigla na lamang nabuhay muli sa kalagitnaan ng isang desyerto. Maraming mga tao sa lugar ang talaga namang hinintay ang pambihirang pagkakataon na ito ngunit kahit pa matagal ang naging paghihintay nila ay lubos pa rin silang nagpapasalamat para sa naganap na himala sa kanilang lugar na matagal na rin nilang ipinapanalangin.


Tunay nga na mayroon talagang mga bagay sa mundo na hindi mo inaasahan ngunit hindi rin naman imposible na mangyari.



Source: Trendszilla | VTRND




error: Content is protected !!