Misis ni Kobe Bryant na si Vanessa nagbahagi ng video ng kanilang 7-month old baby na kuhang kuha ang mga mata ng namayapang NBA Legend!



Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang video ang misis ni NBA Legend na si Kobe Bryant sa social media nito kung saan nagsasanay nang maglakad ang kanilang bunsong anak na si Capri Kobe. Dahil sa sobrang pangungulila at pananabik ni Vanessa sa kaniyang mister at sa 13 taong gulang nilang anak na si Gianna na kasama nitong nasawi sa isang helicopter crash ay dinaan na lamang niya sa pagbabahagi ng video ng kanilang bunsong anak. Hindi malulungkot na mga salita bagkus ay nakakatuwang video ang ibinahagi ng may bahay ng sikat na basketbolista na talaga namang kinagiliwan rin ng maraming mga netizens.

Tila nakikitang muli ni Vanessa ang kaniyang mister sa kaniyang bunsong anak dahil sa pagkakatulad nila ng mga mata. Baby Koko ang naging palayaw ng baby nina Kobe at Vanessa. Ayon pa sa kaniya ay kamukha din nito ang ate niyang si Gianna. Talaga namang mahuhulog ang iyong loob kapag nakita at nasilayan mo si Baby Koko dahil sa napakatunay at napakagandang ngiti nito habang unti-unti siyang nasasanay maglakad habang tangan tangan siya ng kaniyang Tita. Ito ang naging caption ni Vanessa sa kaniyang viral post; “My Koko Bean.



She looks just like my Gigi with her daddy’s eyes. Auntie Ri-Ri. #7months.” Ilang linggo na rin ang nakalilipas matapos yumanig sa publiko ang nakakalungkot na balita ng pagpanaw ng isa sa pinakamahusay na basketbolista na si Kobe Bryant kasama ang kaniyang anak na si Gianna. Tunay nga na walang makakapantay sa matinding sakit ng mawalan ka ng mahal sa buhay ngunit mas masakit ang maranasan mong mawalan ng asawa at ng anak ng hindi mo inaasahan. Bagamat napakahirap at napakasakit ng ganitong sitwasyon ay nananatiling matatag si Vanessa at ang kaniyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

My Koko Bean. She looks just like my Gigi with her daddy’s eyes. ☀️❤️auntie Ri-Ri. #7months

A post shared by Vanessa Bryant 🦋 (@vanessabryant) on

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natatanggap ng marami ang biglaan nilang pagkawala ngunit lahat tayo ay nanalangin na nasa mabuti at maayos na silang kalagayan sa ngayon.



error: Content is protected !!