Categories: Showbiz

Matteo Guidicelli ipinahayag na si Sarah ay “worth fighting for!”

Sa paglipas ng panahon ay talaga namang nakita ng publiko ang paglago ng karera ni Sarah Geronimo at ang kaniyang pagiging isang kamangha-manghang celebrity at indibidwal. Sa likod ng ningning ng kaniyang tala ay talaga namang nakilala rin ang kaniyang ina na si Mommy Divine dahil sa pagprotekta nito sa kaniyang anak at sa hindi nito pagsang-ayon sa mga lalaking nais manligaw sa dalaga.

Batid din ng publiko na hindi ito payag sa relasyon nina Sarah at Matteo. Ngunit pinangako ng aktor na gagawin niya ang lahat para sa pagmamahalan nila ni Sarah. Pinahayag din niya noon na ang Kapamilya celebrity ay “worth fighting for!” Sinong mag-aakala na magiging literal na laban pala talaga ito?

Talaga namang isang napakagandang kwento ng pag-iibigan ng dalawa kung saan si Matteo ay talaga namang humahanga na kay Sarah noon pa man. Sa katunayan ay dumayo pa siya noong 2009 sa Lipa Batangas para lamang mapanuod ang concert ng dalaga. Mahabang pila ang kaniyang napagtagumpayan noon para lamang makasama sa “Meet and Greet” ng kaniyang celebrity crush.

Nagkaroon sila ng proyekto noong 20011 na mayroong pamagat na “Catch Me, I’m in Love” ngunit nito lamang 2013 nang makitang magkasama ang dalawa. Nang taon din na iyon ay ipinahayag ni Sarah na walang manliligaw na makapasa-pasa sa pihikan niyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin. Ngunit nasorpresa ang marami nang umamin ang dalawa na sila na noong 2014. “AshMatt” ang naging taguri ng publiko sa kanilang dalawa.

Aminado naman din si Matteo na hindi boto sa kaniya ang mga magulang ng nobya ngunit nirerespeto at ginagalang pa rin niya ang mga ito. Nagpapasalamat din siya na sa kabila ng lahat ng nangyari ay patuloy siyang ipinagtatanggol at ipinaglalaban ni Sarah. Naging tahimik lamang si Matteo sa lahat ng mga pagsubok sa kanilang relasyon at hindi nagsalita ng kahit anumang laban sa pamilya ng singer.

Dalangin lamang niya ay ang pagtanggap ng pamilya ng kaniyang minamahal. Kamakailan lamang ay ikinatuwa ng marami ang naging secret engagement ng dalawa at maging ang kanilang naging sikreto at pribadong kasalan. Tunay nga na bumilib ang publiko dahil sa wagas na pagmamahalan ng dalawa at dalangin din ng bawat isa na maging maayos na ang pamilya ni Sarah at ang kaniyang mister na si Matteo.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago