Mensahe ng estudyante para sa kaniyang guro kinaaaliwan ngayon ng maraming ng netizens!



Ang pagiging isang guro ay talaga namang isa sa pinakadakilang karera ng isang indibidwal. Kung ikaw ay isang guro tiyak na alam na alam mo ang hirap at ang sakripisyo ng mga guro para lamang sa kanilang mga estudyante. Hindi biro ang mga pinagdadaanang pagsubok ng maraming mga guro lalo na sa ating bansa sa ngayon.



Hindi naman lingid sa ating kaalaman na hindi rin talaga masyadong natutukan ang edukasyon sa panahon ngayon. Nakakalungkot mang isipin ngunit marami sa atin ang nakakapansin talaga ng mga kakulangan pa pagdating sa edukasyon ng maraming mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Buti na lamang at hindi nagsasawa ang marami sa mga Pilipinong guro na turuan ang mga kabataang Pilipino sa kabila ng napakagandang offer ng ibang mga bansa patungkol sa pagtuturo. Sa kabila ng mga ganitong malungkot na balita ay hindi pa rin nawawala ang pag-asa at ang kagalakan sa puso ng bawat Pilipino, guro man o mag-aaral.


Sa katunayan, kamakailan lamang ay kinagiliwan ng maraming mga netizens ang liham ng isang estudyante para sa kaniyang mahal na guro. Ibinahagi ito sa social media ng guro na nakilala bilang si Mary Rose Rosales. Nagtuturo siya sa unang baitang at isa nga sa kaniyang mga mag-aaral ang nagbigay sa kaniya ng liham na naglalaman ng nakatutuwa na medyo nakakabahalang mensahe.

Ang nakakagulat na mensahe para sa kaniyang ng kaniyang grade 1 student ay “”I love you teacher Mery Rose sana hindi ka mamatay.” Talaga namang napakainosente ng pagkakasulat ng bata sa kaniyang naging pahayag para sa kaniyang guro. Ngunit kahit pa medyo nakaaaliw ang kaniyang mga tinuruan ay talaga namang nakakakaba din ito.


Sa ngayon ay umabot na sa higit 200,000 ang mga reactions dito ng netizens at halos 150,000 na shares naman ang inabot nito sa Facebook. Ikaw, ano kaya ang iyong mararamdaman kung mayroon ding magbigay sa iyo ng ganitong klase ng liham?






error: Content is protected !!