Mommy Dionisia, viral ang video ng kaniyang house tour sa GenSan mansion!



Si Emmanuel Dapidran Pacquiao ay 41 taong gulang na propesyonal na boksingero na nakilala sa buong mundo dahil sa pambihira nitong lakas at talento. Siya rin ay kilalang senador ng bansa mula pa noong taong 2016.



Maraming mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo ang talaga namang humahanga sa kaniya dahil sa kaniyang nakakabilib na kakayahan sa taas ng boxing stage ngunit bukod pa rito ay talaga namang minahal din siya ng maramig mga Pilipino dahil sa kaniyang kabutihang-loob at pagmamalasakit sa kaniyang kapwa Pilipino.


Naging malapit din naman sa publiko ang ina ng pambansang kamao na si Mommy Dionisia. Si Dionisia Pacquiao o mas kilala sa palayaq na Mommy D., ang ina ng legendary boxing champion na si Manny Pacquiao. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang kaniyang viral video kung saan ipinasilip niya ang loob ng kanilang magarbong mansyon sa General Santos City.


Sa YouTube channel ng manugang niyang si Jinkee Pacquiao ay binigyan ng house tour ni Mommy D. ang maraming mga netizens. Bukod pa rito ay ibinahagi niya rin ang ilan sa mga koleksyon niya ng “ballroom dancing shoes”, mga pigurin, mga kubyertos at marami pang iba. Siyempre hindi mawawala ang mga memorabilia ng kaniyang anak na si Manny sa kaniyang mga pinaka-iingatang bagay sa loob ng kanilang tahanan.


Ang ilan sa mga ito ay mga tiket sa boksing, lumang mga sasakyang laruan at marami pang iba. Pagbabahagi pa ni Mommy D. ilan sa mga koleksyon niya ng “tablewares” ay alaala noong naghihikahos at hirap pa sila sa buhay.



Hinangaan ng marami ang matanda dahil sa mga katagang binitiwan nito na maaaring siya ay mahirap noon ngunit kahit mahirap siya ay natuto siyang maghanap-buhay upang mayroon siyang maipakain sa kaniyang mga anak. Masayang naikwento pa nito na kahit hindi siya nabibigyan ng rasyong vitamins at gatas ng gobyerno ay napalaki niyang malusog ang kaniyang mga anak.




error: Content is protected !!