Isang lalaki hindi maibenta ang 17,000 mga hand sanitizers na kaniyang binili dahil siya ay na-ban ng Amazon at eBay habang buhay!



Talaga namang ikinabahala at nagdulot ng takot sa maraming mga tao sa buong mundo ang sakit na COVID-19 mula pa noong Enero 2020 na sa ngayon ay nakarating na rin sa Pilipinas. Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang sama-samang paglaban ng bawat Pilipino upang tuluyan na itong masugpo at malunasan.


Ngunit kahit gaano pa karami sa ating mga Pilipino ang magtulungan sa mga panahong ito ay mayroon pa ring mga taong mapagsamantala sa kanilang kapwa lalo na sa ganitong mga sitwasyon. Hindi na lingid sa ating kaalaman na ilan sa ating mga kababayan ang namamakyaw o bumibili ng bultuhan ng mga alkohol at mga face masks na pangunahing pangangailangan ng publiko sa mga panahon ngayon.



Maramihan ang kanilang binibili upang makapagbenta sila ng mas mahal na halaga sa mga nangangailangan nito. Ngunit kamakailan lamang ay mayroong na-ban na isang lalaki dahil sa pagbebenta nito ng sobrang mahal ng mga supplies na kaniyang nabili sa Amazon at eBay.


Ayon sa ilang mga ulat, ang naturang lalaki ay si Matt Colvin na 36 na taong gulang na dating Air Force Technical Sergeant at isa ring Amazon seller. Siya ay nagkaroon lang naman ng kita na $90,000 matapos niyang magbenta ng “pandemic packs” nito lamang Pebrero.


Ang dating $5 na halaga nito ay nabili niya lamang ng $3.50 kada isang pack at siya ay nakakuha ng 2,000 ng mga ito mula sa pasarado nang kompanya. $50 naman ang presyo nito ng kaniya nang ipagbili sa eBay.

Dahil sa kaniyang napakalaking kinita ay talaga namang natuwa ito at patuloy pang namakyaw ng maraming mga medical supplies sa mga kalapit nilang lugar at bayan upang maibenta pa niya sa mas malaking halaga. Dahil dito ay wala nang mabilhan ang iba pang nangangailangan ng mga ito.



Nagulat rin siya isang araw nang malaman niyang ban na siya sa pagbebenta sa mga naturang sites habang buhay dahil sa napakataas niyang presyo sa pagbebenta ng mga produktong sinadya niyang pakyawin para sa pangsarili niyang benipisyo. At dahil nga dito ay wala na siyang mapagbentahan pa ng halos 17,000 na mga hand sanitizers na kaniyang pinakyaw upang ibenta sa mas mahal na halaga.




error: Content is protected !!