Mga kompanyang mayroong “Stay at Home Package” para sa kanilang mga empleyado habang lockdown, labis na hinangaan ng publiko!



Maraming mga tao sa ngayon, maging empleyado man o yung mga umaasa sa arawang kita ang nangangamba para sa kasasapitan ng kanilang mga pamilya sa isang buwang lockdown sa buong Metro Manila at sa buong isla ng Luzon at ilan pang mga bahagi ng bansa. Ilan sa mga Pilipinong ito ay nag-iisip na lamang na mangutang upang maisalba ang kanilang mahal sa buhay, ngunit sa krisis na kinahaharap natin sa ngayon ay maraming mga malalaking kompanya rin ang napilitan itigil ang kanilang operasyon at magsara upang hindi na mas lumaganap pa ang naturang sakit.



Sa kabila ng nakakatakot na kaganapan ngayon sa ating bansa ay nakakatuwa pa ring malaman na mayroon pa ring mga kompanya na nag-aalaga sa kanilang mga empleyado. Ilang mga kompanya na ang nag-anunsyo na magbibigay sila ng isang buwang sweldong advance para sa kanilang mga manggagawa upang masiguro na magkakaroon pa rin ng panggastos at pangbili ng mga pagkain at iba pang pangangailangan ang bawat pamilya ng kanilang mga empleyado.

Isa na nga sa mga kompanya na hinahangaan ng publiko sa ngayon ay ang Ezential Corporation na siyang gumagawa ng Redjuice. Mayroon silang “stay at home package” para sa kanilang mga empleyado. Kahit pa nga mayroon nang lockdown ay siniguro pa rin ng kompanya na magkakaroon ng sapat na supply ang mga pamilya ng kanilang mga manggagawa.


Ayon sa memo na na-release noong March 16 at nag-viral sa social media suspendido ang lahat ng operasyon ng kompanya hanggang April 14 bilang pagtalima sa utos ng Presidente Duterte. Inaabisuhan ang publiko na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan dahil sa ang kanilang kompanya ang bahalang magbigay sa kanila ng mga sumusunod:


    • 1 buwang supply ng basic grocery items tulad ng mga de-lata at instant noodles
    • 1 bag ng bigas (25kg)
    • 2 cutoffs Advanced Salary para sa mga regular employees at 1 cut-off para sa mga hired employees
    • Php 8,000 COVID-19 cash assistance para sa mga regular employees at 4,000 para sa mga newly hired employees
    • Php 10,000 cash advance – na salary deduction simula May 15, 2020 na ikakaltas P500 per cutoff at mayroong zero interest
    • Php 1,000 hazard pay para sa mga empleyadong kinakailangan na pumunta mismo sa kanilang mga trabaho
    • Php 7,000 vacation allowance para sa mga regular employees; ngunit, 90% ng kanilang attendance mula Enero hanggang Marso 15 is ay dapat qualified
    • Additional Php15,000 medical assistance para sa mga hindi pa nakakakuha ng alin mang pribiliheyo.



error: Content is protected !!