Dating madumi at mabahong Manila Bay, napakalinis at napakaaliwalas na sa ngayon ilang araw matapos ang “lockdown”!



Maraming mga Pilipino ang nakakakilala sa isang popular na pasyalan sa Maynila, ang Manila Bay. Ngunit dahil na rin sa kapabayaan at kawalan ng disiplina ng maraming mga tao ay naging madumi at mabaho ito.

Ngunit sa kabila nito ay marami pa ring mga bata at maging mga matatanda ang naglalangoy at nagtatampisaw rito. Hindi alintana ang panganib na maaaring maidulot sa kanila ng mga mikrobyong maaari nilang makuha rito.



Ngunit makalipas lamang ang ilang araw mula ng ipatupad ng Pangulo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Metro Manila at maging sa buong isla ng Luzon ay tila nagkaroon muli ng buhay ang Manila Bay. Sa halip kasi na madumi at maburak na tubig dahil sa ilang dekadang polusyon at kapabayaan ng mga tao ay tila muli nang nagbabalik ang ganda nito.


Ang malinaw at asul nitong katubigan ay talaga namang nagpamangha sa publiko. Ang mga larawan na ibinahagi ng netizen na si John Angue ay aakalain mong in-edit o di kaya naman ay kuha sa isang pribadong resort o kaya naman ay sa Boracay, ngunit ang katotohanan ay sa Manila Bay pala ito!


“Parang ang linis ng Manila Bay ngayon ano? Boracay level!” Pahayag ni John sa kaniyang viral post. Ilang mga netizens pa ang nasorpresa at hindi makapaniwala sa larawang ito kung kaya naman hindi na kataka-taka na ulanin ng mga komento ang reaksyon ang naturang post. Ngunit higit pa sa mga komentong ito ay talaga namang walang kapantay ang paghanga ng publiko sa pangyayaring ito sa Manila Bay.



Mayroong ilang mga netizens ang nagduda kung totoo nga kaya ang mga larawang ito kung kaya naman ilang mga netizens pa ang nagbahagi ng kanilang mga kuhang larawan at video ng Manila Bay. Tunay nga na sa mga panahong ito ay tila nakakahinga na ng maluwag ang ating Inang Kalikasan.




error: Content is protected !!