Netizen ibinahagi ang napakagandang nasaksihan niya mula nang pumutok ang pandemya na COVID-19!



Hindi biro ang pinagdaraanan ng bawat isa sa atin ngayon dahil sa krisis na ating kinakaharap patungkol sa nakakatakot at hindi pa nakikilalang sakit na COVID-19. Hindi lamang tayong mga Pilipino ngunit napakarami pang mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo ang apektado nito.


Walang pinipiling edad o antas sa lipunan ang COVID-19 kung kaya naman dapat tayong mas maging maingat hindi lamang para sa ating sarili kundi maging sa ating mga mahal sa buhay. Sa kabila ng napakaraming mga masasamang balita patungkol sa krisis na ito ay patuloy pa ring nagiging matatag at mapagtiis ang bawat isa.



Marami rin ang mga tumutulong sa mga sarili nilang kakayanan, maliit man o malaki, simpleng tao o sikat na personalidad at pulitiko ay tiyak na gumagawa ng paraan sa abot ng kanilang makakaya para lamang matugunan ang mga pangangailangan ng mga taong hirap at hikahos sa buhay na mas apektado ng mas pinalawak pang community quarantine. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng isang netizen ang isa sa pinakamagandang nasilayan niya simula ng mangyari ang pagkalat ng COVID-19.

Si Magali Lopez Herrera ay mula sa Peru at narito ang kaniyang sa caption napakagandang nasaksihan niyang ito:


“We’re quarantined, but this was the most beautiful thing I saw today, and it deserves to be shared.”

Talaga namang nakakamangha at nakakabilib na kahit pa nasa mahirap na kalagayan tayo sa ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pag-ibig sa ating mga puso lalo na sa mga tao o maging sa mga hayop na mayroong buhay. Maaaring hindi nila naiintindihan ang mga nangyayari ngayon sa ating mundo ngunit hindi rin naman natin makakaya na makita silang nahihirapan o nagugutom sa lansangan.


Bagamat hindi pa nakikilala kung sino ang nagtali ng mga lalagyang plastik na mayroong inumin at pagkain ay talaga namang nagbigay ito ng pag-asa at inspirasyon sa maraming mga tao na nakakaranas ngayon ng banta ng COVID-19.