PhilHealth, “Anuman ang kinakailangan” ay sasagutin nila ang magiging gastos para sa mga COVID-19 patients!



Ayon sa president ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ay sasagutin ng ahensya ang magiging gastos na medikal ng mga Pilipino na magiging positibo sa COVID-19. Sinigurado ni PhilHealth President Ricardo Morales na hindi dapat mangamba ang mga Pilipino dahil sa tutulong ang naturang ahensya upang malagpasan nating lahat ang krisis na ito.



Dagdag pa niya ay hindi sila magsasawang magbigay ng tulong para sa mga Pilipino lalo na sa mga healthcare frontliners na mas maaaring mahawa o magkaroon ng naturang sakit. “Lahat ng tatamaan ng COVID-19, wala sila dapat ilabas na pera, whether public or private hospital. Sasagutin ng PhilHealth. Whatever it takes, sasagutin ng PhilHealth,” Mariing pahayag ng PhilHealth president.

Ngunit nilinaw din naman ng PhilHealth president na hindi kasama sa mga ito ang mga taong nasa kanilang mga tahanan para sa kanilang “home quarantine” dahil sa hindi nila batid ang mga magiging gastusin nila sa kanilang mga gamot habang sila ay nasa kanilang mga tahanan.


“Mayroon naman tayo naka-quarantine sa bahay, hindi natin masasagot yun dahil hindi naman natin alam ang ginamit nila na gamot at ginamit na process. Yun lang nako-confine, yung lang masasagot ng PhilHealth, kasi prescribed yung mga gamot at prosesong ginamit sa pasyente,” dagdag pa niya.


Sa kasalukuyan ay mayroon nang inilabas na P1.6 billion ang PhilHealth sa mga pangpublikong ospital upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga ito dahil sa lumalaganap na pandemya. Bahagi lamang ito ng P30 billion na halaga ng pondong inilaan ng ahensya sa mga ospital para sa mga COVID-19 patients.



Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Charity Sweepstakes Office na maglaan ng P420.59 million sa ahensya ng Philhealth upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga ospital sa krisis na ito. Tunay nga na kahit papaano ay magiging napakalaking tulong nito para sa mga taong mas nangangailangan at hikahos sa buhay.




error: Content is protected !!