Viral ang naging huling post ng binatang doktor na ito na nasawi sa isang plane crash matapos ang ginawa nilang medical evacuation na umani ng maraming mga komento mula sa publiko!



Sa kinakaharap nating banta ng COVID-19 sa ngayon ay nakakalungkot malaman na marami nang mga doktor na nasasawi. Isa sila sa mga tunay na bayani ng ating bayan dahil sa hindi nila alintana ang panganib na kanilang kinakaharap sa tuwing sila ay magsisilbi sa kanilang mga pasyente.



Ngunit nito lamang Linggo, Marso 29 ng gabi ay mayroon na namang isang Pilipinong doktor ang nasawi dahil sa isang “medical evacuation plane crash”. Si Dr. Cenover Nicandro “Nicko” Bautista ay isa sa walong mga taong lulan ng sumabog na eroplano.


Narito ang naging pahayag ng “Office of the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) President” sa kanilang opisyal na Facebook page. “It is with extreme $adness that I inform you that PLM lost another one of its own while performing his sworn duty to save lives. Dr Nicko Bautista, 2014 graduate of the PLM College of Medicine perished in the medevac crash earlier tonight at NAIAA airport en route to Haneda, Japan to bring a patient there for treatment. Dr. Bautista is the 2nd PLM doctor that we lost in two weeks.”


Ikalawang doktor na si Dr. Bautista sa mga nasawi nilang doktor dahil nauna na ring pumanaw si Dr. Israel Bactol dahil sa COVID-19. Noong nakaraang Linggo ay nakapagpost pa ang nakababatang doktor patungkol sa pagpanaw ng kapwa niya doktor nang dahil lamang sa pagsisinungaling ng pasyente nito sa kaniyang naging travel history.

Hindi naman inaasahan ng kaniyang mga pamilya, kamag-anak at katrabaho na siya pala ay masasawi rin matapos ang ilang mga araw pa. sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon patungkol sa nangyaring insidente. Ang huling social media post ni Dr. Bautista ay talaga namang umani rin ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko.




Sa naturang post ay makikita ang masayang larawan nito na nilagyan niya rin ng caption na nagsasaad ng mga bagay na nais niyang gawin oras na matapos ang krisis na pinagdaraanan ng maraming mga bansa sa mundo ngayon.




error: Content is protected !!