Pumanaw ang 90-anyos na lolang ito na nagpositibo sa COVID-19 dahil sa tumanggi ito na gamitin pa niya ang ventilator at mas minabuting ibigay na lamang ito sa iba!



Kamakailan lamang ay kumurot sa puso ng publiko ang naging pagpanaw ng 90-anyos na lola na ito na naninirahan sa Belgium nang dahil sa nakakahawang sakit na COVID-19. Ayon sa ilang mga ulat ay nagdesisyon ang matandang babae na huwag na siyang gamitan pa ng ventilator kahit pa hirap na siyang humingan dahil mas marami pang mas nangangailangan nito kaysa sa kaniya.


Ayon naman sa isinulat ni Daniella Wallace mula sa Fox News, ang nakakamanghang lola ay walang iba kundi si Suzanne Hoylaerts. Ang kaniyang anak na si Judith ang nagsugod sa kaniya sa ospital dahil sa wala na itong ganang kumain at hirap na ring huminga.



Nang nalaman nila ang resulta ng COVID-19 test kung saan nagpositibo si Suzanne ay agad na itong nilagay sa isolation room. Umantig sa puso ng maraming mga netizens ang mga salitang binitiwan ng lola sa kaniyang doktor.

Ayon sa kaniya, ayaw na niyang gumamit pa ng “artificial respiration, mas mainam pa na ipagamit na lamang ito sa mga batang pasyente dahil sa batid niyang nagkaroon na siya ng makabuluhan at magandang buhay dito sa mundo. Ayon pa sa mga anak ni Suzanne, hindi nila batid kung paanong nagkaroon ng COVID-19 ang kanilang ina dahil sa sineryoso naman talaga nila ang lockdown at hindi umalis kahit minsan ang kanilang ina sa kanilang tahanan.


Inakala pa nga nilang “mild Pneumonia” lamang ang sakit ng ina at hindi COVID-19. Labis silang nagdadalamhati sa ngayon dahil sa hindi man lamang nakapagpaalam ng maayos ang kaniyang mga anak sa kaniya at hindi man lamang sila nagkaroin ng pagkakataon na paglamayan ang kaniyang mga labi.


Mayroon nang 705 katao ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 habang isa sa mga ito, 12 taong gulang na na pasyente ang pinakabatang nagpositibo sa naturang sakit. Sa mga panahong ito ay mayroon nang tinatayang higit sa 855,000 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang mayroon sa buong mundo habang nasa 178,100 na ang gumaling mula rito.






error: Content is protected !!