Mga residente ng SJDM sa Bulacan, nagawa pang mag-parlor games sa labas ng kanilang mga tahanan sa gitna ng banta ng COVID-19!



Kamakailan lamang ay ikinagalit ng maraming mga netizens ang tila pagpapasaway at katigasan ng ulo ng ilang mga tao mula sa San Jose Del Monte, Bulacan. Dahil sa halip na sumunod sa ipinapatupad ngayon na “enhanced community quarantine” sa maraming lugar sa bansa ay tila mas gusto nilang mas kumalat pa at magkahawahan ang bawat isa ng nakakatakot at delikadong sakit na COVID-19.



Ang viral video na ito ay kalat na sa social media kung saan ang mga residente sa Pabahay 2000 sa San Jose Del Monte Bulacan ay tila nagdiriwan pa ng pista dahil sa kanilang mga parlor games sa labas ng kanilang mga tahanan na talaga namang hindi na nabibigyang-pansin ang social distancing. Ang naturang video ay kuha ng isang netizen na nakilala bilang si Kenneth Caballe Rivera.


Isang residential area ang Pabahay 2000 at talaga namang makikita mo ang kumpulan at dikit-dikit na grupo ng mga tao na tila ba wala silang kaalam-alam patungkol sa ipinapatupad na panukala ng pamahalaan at ng otoridad na manatili lamang sa loob ng ating mga tahanan.


Mukhang masayang masaya ang bawat isa na nakakapanuod ng mga batang lalaki na nagkakarerahan sa pagtakbo, hindi alintana ang kapahamakang maaaring maidulot hindi lamang sa kanilang lugar mismo, sa kanilang mga pamilya mismo, kundi sa maraming mga mamamayan sa Pilipinas.


Maging ang mga Pilipinong mahigpit na sumusunod sa mga paalala ng gobyerno ay wala na ring ligtas kung tuluyan nang maubos ng COVID-19 ang maraming mga tao sa ating bansa. Habang isinusulat ang artikulo na ito ay mayroon nang halos 2,000 na mga reaksyon, higit sa 1,000 na mga komento at higit sa 2,000 mga shares ang mini fiesta at parlor games ng mga taong ito.



Habang mayroon na rin itong higit sa 90,000 na mga views. Kung kaya naman, habang hindi pa huli ang lahat, sana ay matauhan na ang maraming mga Pilipino na hindi ito ang panahon upang magmalaki, o magpasaway, dahil ito talaga ang panahon upang magkaisa at magtulong-tulong tayo bago pa tuluyang mahuli na ang lahat.




error: Content is protected !!