Isla ng Budelli: “Safest place on Earth” kung saan nakatira ang isang 81-anyos na lalaki!



Kung halos lahat ng mga tao sa buong mundo ay nais na iligtas ang kanilang mga pamilya at ang kanilang sarili mula sa pagkakahawa sa nakakatakot na sakit na COVID-19, tila napakaswerte ng matandang lalaki na ito dahil sa siya lamang ang naninirahan sa isang isla sa Mediterranean Sea na kung ilarawan ng marami ay isang “isolated island”.



Ang maswerteng tao na ito ay walang iba kundi si Mauro Morandi. Ayon sa ilang mga ulat, 30 taon na ang nakalilipas ng mapadpad si Mauro sa isang isla sa Budelli sa rehiyon ng Sardinia noong siya ay nasa isang paglalakbay.


Isang aksidente lamang ang nangyari nang madiskubre niya ang isla na ito. Kung marami sa atin ang talaga namang inip na inip na sa loob ng ating mga tahanan nang ilang mga araw lamang, talagang nakakamangha kung paanong nakakapamuhay ng payapa at masaya ang matandang lalaki na ito nang mag-isa lamang sa isang isla at walang ibang kasama na kahit sino.

Ayon sa ulat ng CNN, hindi na napigilan pang mamangha at mapamahal ni Mauro sa kapaligirang walang polusyon, napakalinaw na katubigan, napakaaliwalas na kalangitan, at napakasariwang hangin ng naturang isla. Dahil sa walang kahit isang tao na naninirahan sa isla na ito noon pa man ay talaga namang napakatahimik at napakapayapa ng lugar na ito.


Isang guro noon si Mauro, ngunit nang pumanaw ang tagapagbantay ng naturang isla ay siya na mismo ang pumalit dito. Tinagurian na siyang Robinson Crusoe ng Italya.
Ang naturang isla ay bahagi ng isang mas malaking national park ngunit talagang napakaliit o wala nang tyansa na magkaroon pa ng ibang tao sa lugar na ito dahil hindi ito maaaring maabot ng urbanisasyon.



“I am fine, I’m not scared. I feel safe here. This island offers total protection. No risks at all. Nobody lands, not even a single boat can be seen sailing by,” Pahayag niya.




error: Content is protected !!