Middle Class Filipino Family, ano nga ba talaga ang kahulugan nito?



Maraming mga Pilipino ang nagkaroon ng kani-kanilang mga reyalisasyon patungkol sa tunay na kahulugan at kahalagahan ng buhay mula nang maranasan natin ang krisis na ito dahil sa paglaganap nh COVID-19 hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Tunay nga na mas nagagawa nating mahalin at bigyan ng importansya ang maraming mga bagay o maging mga tao na noon ay tila natural na lamang sa ating buhay.


Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang mga katanungan ng ilang mga Pilipino patungkol sa tinatawag na “Middle Class” family ng bansa. Ito ay dahil na rin sa pagbibigay ng tulong o ayuda ng pamahalaan sa mga pamilyang Pilipino na hirap sa buhay at talagang naapektuhan ng enhanced community quarantine sa ating bayan.

Isang netizen ang nagtanong mismo sa popular na group sa Facebook na “Peso Sense Savers Group”. Ang kaniyang naging tanong ay “Paano ba malalaman kung sa middle class na belong ang isang family?”.
Talaga namang umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang naturang post.

Mayroong ilang mga netizens na nagkomento na kung sinasabaw mo na ang gravy mula sa isang kilalang fast-food chain sa bansa tiyak kabilang ang iyong pamilya sa middle class family.


Habang mayroon pang ilang netizen na nagbiro na kung ikaw ay kinakabahan na sa tuwing mayroong magmemensahe sa iyo ng “Musta Pre?”, tiyak na kabilang ka din sa middle class family. Nagbiro din ang isa pang netizen na kung mayroong “door bell” ang inyong tahanan ay matatawag ka ngang isa sa mga “middle class” ng lipunan.


Mapapansin pa rin na sa kabila ng hirap na ating dinaranas sa mga panahong ito ay hindi pa rin nawawala ang kakayahan ng maraming mga Pilipino na maging positibo at masayahin kahit papaano. Hindi biro ang banta ng nakakahawang sakit na ito sa maraming mga bansa sa buong mundo ngunit kung tutuusin, isa ang mga Pilipino sa mga lahi na talagang mayroong matatag na pananampalataya at positibong disposisyon sa buhay.


Similar Articles

Comments

LATEST POST