Teenager na nagpapicture sa kaniyang alagang aso, kinagat nito at kinailangang magpatahi ng kaniyang natamong sugat!



Tayong mga Pilipino ay talaga namang mahilig sa mga hayop. Marami sa atin ang hindi maipagkakaila na “pet lover” talaga kahit noong mga bata pa tayo. Natutunan nating maging responsable dahil sa mga alaga nating hayop na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin nating ginagawa sa araw-araw.


Ang mga aso ay ilan lamang sa mga uri ng hayop na madalas nating inaalagaan. Kilala ang mga ito na matapat sa kanilang mga amo at talaga namang malalambing. Ngunit kamakailan lamang ay nagimbal ang maraming mga netizens dahil sa nakakatakot na nangyari sa teenager na ito mula sa Argentina. Ang naturang dalaga ay nakilala bilang si Lara Sanson na 17-taong-gulang na.




Hindi niya inakala na ang ordinaryong araw ay magiging isang bangungot para sa kaniya. Ito ay naiulat na rin sa Daily Star. Ang German Shepherd mismo na alaga ng pamilya ang kumagat sa mukha ng teenager. Makikita sa mga larawan ng dalaga na masaya pa itong nakatingin sa camera habang nakahawak sa kaniyang alagang aso, hindi niya inaakalang susunggaban at kakagatin pala siya nito.


Dinala kaagad sa ospital ang dalaga at doon ay tinahi ang kaniyang mga natamong sugat. Dalawang oras ang inabot ng operasyon at nagkaroon ng 40 stitches sa mukha at gilagid ang dalaga.


Kahit pa hindi naging maganda ang karanasan ng dalaga sa kanilang alagang aso ay wala namang balak ang kaniyang pamilya na gumawa ng hakbang laban sa aso. Ayon rin sa pahayag ng dalaga, hindi niya alam kung nahawakan ba niya ang bandang likuran ng aso kung kaya naman nagalit ito sa kaniya at kinagat siya o di kaya naman ay dahil sa may edad na rin talaga ito.


Maaari din namang natakot ang aso dahil sa pagkakayakap ng dalaga dito. Umani ng maraming mga reaksyon at komento mula sa publiko ang pangyayari na ito. Tiyak na mas magiging maingat ang publiko sa paghawak sa mga hayop kahit pa ito ay kanila mismong alaga.