Front liner na ama, hindi magawang yakapin ang kaniyang anak na masaya siyang sinasalubong dahil sa takot na mahawa ito ng sakit!



Halos mahigit na rin sa isang buwan ang naging masalimuot na karanasan natin dahil sa pandemyang COVID-19 na hanggang sa ngayon ay laganap pa rin sa maraming mga bansa sa buong mundo. Tunay nga na hindi madali ang laban nating ito dahil sa walang kasiguraduhan ang ating sitwasyon hanggang sa wala pang nadidiskubre na bakuna o gamot laban sa nakakahawa at delikadong sakit na COVID-19.



Kung marami sa ating mga ordinaryong mamamayan ang sobrang naiinip na sa ating kalagayan at talaga namang nais nang magbalik sa normal nating mga buhay, mayroon naman tayong mga kababayan na walang ibang manggawa kundi gampanan ang kanilang tungkulin sa bayan at sa maraming mga Pilipino. Maraming mga front liners na sa ngayon ang nasasawi at nagkakasakit dahil na rin sa serbisyong inilalaan nila sa publiko.


Ilan sa mga front liners na ito ay mga doktor, nars, healthcare workers, mga pulis, sundalo, mga pulitiko, empleyado ng gobyerno at lokal na pamahalaan at marami pang iba. Nakakalungkot mang isipin at talagang napakabigat sa damdamin na masawi sila sa ganoong kalagayan ngunit ang kanilang nagawang kabayanihan ay mananatili sa habang panahon.

Napapanahon ang viral na video na ito na mula sa Facebook Page na “Vice Ganda MEME”. Nakasaad sa naturang video ang user name ng may-ari nito na si “@gincent21”.
Maaaring simpleng video lamang ito sa iilan, ngunit para sa isang magulang at sa isang anak, ito ay talaga namang nakakaantig ng puso at damdamin. Mapapansin sa video ang masayang pagsalubong ng bata sa kaniyang ama na isang front liner.


Balot na balot ang ama dahil sa takot na mahawa nito ang kaniyang mga mahal sa buhay dahil sa kaniyang pag-uwi sandali sa kanilang tahanan. Talaga namang nakakahabag ang kanilang sitwasyon dahil sa nais lamang mayakap ng anak ang kaniyang ama ngunit walang ibang magawa ang kaniyang ama kundi palayuin at iwasan siya.



Sa murang edad ng bata ay hindi niya ito maiintindihan ngunit ang tanging nais lamang ng kaniyang ama ay ang kaniyang kaligtasan. Hindi biro ang hirap at sakripisyo ng ating mga front liners kung kaya naman sana ay mas maging disiplinado at responsable pa ang mga Pilipino upang sa wakas ay matapos na at tuluyan na tayong bumalik sa normal nating mga buhay.