Bagong bahay ni Brgy. Ginebra Player Scottie Thompson, ipinasilip sa publiko!



Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sarili nating bahay at lupa noon pa man. Hindi madaling matupad ang pangarap nating ito dahil sa hindi rin naman biro ang presyo o halaga ng lupa sa ngayon kasabay pa ng mahal na presyo ng mga materyales at iba pang mga gastusin.



Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na marami sa atin ang patuloy na nagsusumikap upang makamit ang matagal na nilang pangarap, ang pagkakaroon ng sarili nating tahanan. Tulad na lamang ng Brgy. Ginebra Player na si Scottie Thompson na kamakailan lamang ay ipinasilip sa publiko ang kaniyang ipinapatayong bagong bahay.

Hindi na nakapagtataka na makamit ni Scottie ang pangarap na ito ng marami sa atin. Bukod kasi sa pagiging isang propesyonal na basketball player na nakapagkamit na ng multiple championships, finals most valuable player award, at stint sa national team bilang bahagi ng Gilas Pilipinas ay isa na rin siyang vlogger.


Namangha ang marami niyang mga tagahanga at tagasuporta dahil sa ipinapagawa niyang property. Nasa 80 porsiyento na diumano ang pagpapatayo niya ng kaniyang dream house ayon kay Scottie.

Masayang-masaya siya dahil sa ang lokasyon ng kaniyang ipinapatayong bahay ay malawak dahil sa corner lot ito. Maluwag din ang kaniyang magiging parking dito. Sa unang palapag ng kaniyang bahay matatagpuan ang ilang banyo, receiving area, malawak na dining room at kitchen, at mayroon pa itong sariling gym. Ilan sa mga silid dito ay mayroon nang kagamitan ngunit hindi pa naisasaayos.


Balak niyang iayos ang lahat ng ito kapag tapos na ang konstruksyon ng kaniyang bahay. Mayroon ding shoe at video game room si Scottie sa kaniyang dream house.



Isa siyang propesyonal na basketbolista kung kaya naman hindi na nakapagtatakang marami siyang mga sapatos kung kaya naman naglaan na siya ng isang buong silid para sa mga ito. Nasa shoe room din ni Scottie ang kaniyang mga gaming console.

Bukod pa rito ay nagbabalak siyang maglagay na rin ng barber chair kung saan niya nais magpagupit. Lingid sa kaalaman ng publiko ay mayroon na ring ilang negosyo ng barber shop si Scottie.

Talaga namang bumilib ang publiko lalo na ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta sa kaniyang ginawang house tour.






error: Content is protected !!