Grabfood rider na walang kamay, nagsilbing inspirasyon sa publiko!



Tulad na lamang ng maraming mga pamilya sa gitna ng movement control order (MCO) ay napagpasyahan ni Edmund Gan na umorder ng pagkain at ipa-deliver sa kaniyang tahanan. Nang dumating na ang kaniyang order ay sinabihan niya ang naturang rider na isabit na lamang sa kanilang gate ang plastic dahil naisip ni Edmund na mas makabubuting “contact-free” ang kanilang transaksyon.


Bukod pa rito ay nabayaran na din naman niya ang kaniyang ipinabili dahil sa “in-app payment option” nito. Nakiusap ang rider sa kaniya na kung maaari ay hawakan niya ang kaniyang mga ipinabili dahil hindi niya ito kayang gawin ng siya lamang.



Dahil sa pagtataka ay agad na lumabas si Edmund dahil sa hindi naman maramihan ang kaniyang ipinabili. Alam niya sa kaniyang sarili na kayang-kaya itong hawakan ng dalawang kamay. Gaano nga kaya kahirap para sa rider na ito na isabit ito sa kanilang gate?

Ngunit nagulat siya nang makalabas siya ng kanilang tahanan at makitang ang rider ay wala palang mga kamay! Nagulat man siya sa kaniyang nakita ay pabiro namang sinabi ng rider na hindi na niya kailangan pang hanapin ang kaniyang mga kamay dahil hindi na niya talaga ito makikita.


Ang pangalan ng naturang rider ay “Syahrain”. Talaga namang bumilib at namangha sa kaniya ang publiko.

Sa kabila ng kaniyang kapansanan ay hindi ito makikitaan ng awa sa sarili bagkus ay gumagawa pa siya ng paraan upang maging kapaki-pakinabang at matulungan ang kaniyang mahal na pamilya. Kung marami sa ating mga walang kapansanan ang halos puro reklamo na lamang sa buhay, siya na itong may kapansanan ngunit siya pa talaga ang nagbibigay inspirasyon at nagsisilbing huwaran para sa ating lahat.


Tunay nga na mas nararapat lamang na mas magtiyaga at magpursige tayo bilang isang indibidwal dahil sa kung nagagawa nga ito at nakakaya ng mga taong mayroong kapansanan, tayo pa kaya?






error: Content is protected !!