Naaalala niyo pa ba si Spencer Reyes, ito na pala ang kaniyang naging buhay sa Scotland!



Marahil ay marami pa rin sa atin ang nananatiling tagahanga ng “Streetboys”. Nabuo ang kanilang grupo taong 1993 at talaga namang hinangaan ng publiko ang kanilang smash hit na “Boom Tiyaya” noong 1997.



Ang orihinal na miyembro ng grupo ay sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Spencer Reyes, Michael Sesmundo, Nicko Manalo, Meynard Marcellano, Christopher Cruz, Joey Andres at Joseph de Leon. Ang grupong Universal Motion Dancers naman ang isa sa pinakamalapit nilang katunggali noon sa dance floor.

agamat maraming taon na rin ang nakalilipas mula nang huling nagtanghal ang grupo para sa publiko ay talaga namang marami pa rin ang nagmamahal at humahanga sa kanila. Mayroong iilan sa kanila ang hanggang sa ngayon ay mapapanuod pa rin sa harap ng kamera tulad na lamang halimbawa ng mga sikat na host ng It’s Showtime na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.




Ilan pa sa pinakasikat na miyembro ng grupo noon ay si Spencer Reyes. Sa kabila ng tagumpay at kasikatan ay pinili nitong manirahan sa United Kingdom. Nagtungo siya sa England taong 2008 kung saan siya ay nag-aral ng kursong Nursing. Taong 2014 naman ng manirahan sila sa Scotland kasama ang kaniyang misis at ang tatlo nilang mga anak.

Nag-aral siya roon ng Electrical Engineering, heating, at plumbing sa isang vocational school roon. Matapos nito ay pumasok naman siya bilang isang bus driver. Kung inaakala natin na simpleng trabaho lamang ang pagiging isang driver sa Scotland, nagkakamali ang marami sa atin.

Dahil sa ayon sa dating dancer ay talagang napakahirap ang makapasok sa ganoong klase ng trabaho dahil sa nangangailangan talaga ng ilang mga pagsusulit at lisensya. Dagdag pa niya ay kinailangan din niyang mag-aral ng makakapal na libro para lamang masiguro ang kaniyang pagpasa.

Nag-aral din siyang muli ng anim na buwan pang karagdagan. Dalawang taon na siyang bus driver roon at kadalasang tour bus ang kaniyang minamaneho. Sa ngayon ay nasa ilalim pa rin sila ng lockdown doon ngunit sa kabila nito ay tumutulong din si Spencer na maghatid at magsundo ng mga nars na frontline sa ilang mga ospital.

Nagsusuot din siya ng mga heavy PPEs sa tuwing sasakay siya ng bus at palagian din namang sinasanitize ang sasakyan para na rin sa kanilang kaligtasan.




error: Content is protected !!