70-anyos na fashion designer, ginulat ang publiko dahil sa angkin niyang kagandahan!



Marahil ay narinig na ninyo ang mga katagang “kalabaw lamang ang tumatanda” at ang edad ay tanging numero lamang para sa iilan. Marami din naman sa atin ang “young at heart” kung pagbabasehan ang mga paniniwala natin sa buhay.


Mayroong mga taong pinalad na tumatanda nang maganda habang ang iba naman ay bata pa lamang ngunit matanda na kung manamit at kumilos. Marahil isa na sa pinakahinahangaan ng marami sa ngayon ang sikat na fashion designer na si Vera Wang.




Talaga namang magugulat kang malaman kung ano na talaga ang tunay niyang edad sa ngayon. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang naggagandahan niyang mga larawan habang siya ay nasa loob lamang ng kaniyang tahanan dahil na rin sa pinaiiral na pag-iingat ngayon sa buong mundo dahil sa pandemyang nananalanta sa maraming mga bansa sa ngayon.


Sino ba namang mag-aakala na 70 taong gulang na pala siya! Hindi ito mapapansin sa unang tingin at hindi rin ito mapapansin ng marami dahil sa balingkinitan niyang pangangatawan at napakakinis niyang kutis. Hindi makapaniwala ang marami sa katotohanang ito ngunit mayroon din namang iilang netizen na nagpatunay na noon pa man ay “ageless beauty” na talaga ang taglay ni Vera. Ayon pa sa ilang mga ulat, matapos niyang makapagtapos sa Sarah Lawrence ay agad na itong nagsimula sa kaniyang karera bilang isang editor ng Vogue.



Matapos nito ay lumipat naman siya sa Ralph Lauren kung saan siya nagtagal ng halos dalawang taon. Sa edad na 40 ay umalis na siya sa kompanya at nagsimula na siya ng sarili niyang bridal brand. Sa ngayon ay ilang dekada na rin siya sa industriya. Dahil sa subok na at labis na hinahangaan ng marami ang kaniyang mga likha ay patuloy pa ring tinatangkilik ang kaniyang mga obra maestra.


Ilan sa mga kilalang personalidad na naging kliyente na niya ay sina Sarah Michelle Gellar, Alicia Keys, at Khloe Kardashian.





error: Content is protected !!