Michael Buble binigyan ng bahay ang isang Pinay upang tuparin ang kahilingan ng kaniyang lolo!



Maraming mga Pilipino sa ngayon ang mas pinipiling mapalayo sa kanilang mga mahal sa buhay at magtrabaho sa ibang bansa para lamang kumita ng mas malaki para sa kanilang pamilya. Ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa ngayon ay talaga namang hinahangaan sa iba’t-ibang mga bansa dahil sa kanilang matinding kasipagan at pagmamahal sa kanilang trabaho.


Hindi na nga manggagawa, empleyado, o kasambahay ang turing ng ilang mga dayuhang amo sa ilang mga kababayan nating OFW kundi parte na rin ng kanilang sariling pamilya. Isa na sa mga mapapalad na OFW na ito ang isa sa mga kasambahay ng sikat na mang-aawit na si Michael Buble.




Upang matupad ang kahilingan ng kaniyang lolo bago ito pumanaw ay ibinigay nito ang bahay na tinitirhan nito noong nabubuhay pa siya sa kanilang kasambahay. Ayon sa ilang mga ulat, ang domestic worker na si Minette ay hindi na itinuring na ibang tao ng kaniyang amo na lolo naman ng sikat na singer.


Bago pa man pumanaw ang lolo ni Michael ay wala itong ibang nais para sa kaniyang kasambahay kundi ang magkaroon ito ng maayos na buhay. At dahil dito ay napagdesisyunan ng singer na ipa-renovate ang dating tahanan ng kaniyang lolo sa Canada at ibigay ito kay Minette.



Ayon din sa singer, sa ginawa niyang ito ay nabawasan na ang kaniyang alalahanin dahil sa hindi na magbabayad pa ng renta si Minette kasabay ng pagpapadala nito ng pera sa kaniyang pamilya sa Pinas. Batid din ni Michael na halos lahat ng kinikitang pera ni Minette ay napupunta sa kaniyang pamilya sa Pinas at kaunti na lamang ang napupunta sa kaniyang pangsariling pangangailangan.

Kahit pa marami ring alaala sa bahay na ito ang singer ay mas minabuti na rin niyang ibigay ito kay Minette dahil sa alam niyang ito rin naman ang nais ng kaniyang pumanaw na lolo.





error: Content is protected !!