Isang 14 at 9 na taong gulang na mga bata tumayong mga magulang sa kanilang mga kapatid sa gitna ng pandemya!



Ang pagkakaroon ng kumpleto at masayang pamilya ay talaga namang napakagandang biyaya mula sa Diyos. Kung kaya naman dapat lamang na matuto tayong magpasalamat sa mga bagay na nararanasan natin sa araw-araw.



Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwento ng isang mag-anak na ito kung saan 14 at 9 na taong gulang na mga bata ang tumatayo munang mga magulang sa mga nakababata nilang kapatid dahil sa wala ang kanilang mga magulang sa kanilang tabi. Ang kwento ng apat na magkakapatid na ito sa Cebu ay talaga namang kumurot sa puso ng maraming mga netizens lalo na ng maitampok sila sa sikat na magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Sojo”.


Ang magkakapatid na ito ay hindi mga ulila, bagkus ay naiwanan lamang sila sa kanilang tahanan dahil sa kinailangang magpa-ospital ng kanilang ina na sinamahan naman ng kanilang ama. Nakakalungkot malaman na nasawi pala ang kanilang ina habang nasa pagamutan dahil sa hypokalemia o ang pagbaba ng potassium ng isang pasyente.


Dahil sa maraming mga pasyente sa ospital na nagpositibo sa COVID-19 doon ay kinailangan munang sumailalim sa 14-day quarantine ang kanilang ama habang hindi pa lumalabas ang resulta ng COVID test ng pumanaw nilang ina. Dahil sa mga pangyayari ay ang 14 na taong gulang munang si Marjun Bercero, at si Kathleen na siyam na taong gulang ang tumayong mga magulang ng kanilang mga kapatid na sina Janvic, 5 taong gulang, at si Jesna Rose, isang taong gulang pa lamang.


Si Marjun ang nagluluto at naghahanda ng kanilang pagkain habang si Kathleen naman ang nagpapakain sa mga nakababata nilang mga kapatid. Maaaring nasa murang edad pa lamang sila ngunit talagang ramdam na nila ang bigat ng responsibilidad na nakaatang sa kanilang mga balikat.



Makalipas ang quarantine ng kanilang ama ay muli na silang nagkasama-sama. Negatibo naman ang naging resulta ng COVID test sa kanilang pumanaw na ama.




error: Content is protected !!