Dating beauty queen na si Janina San Miguel nakatanggap ng offer na P3M para sa “one night stand”!



Sabi ng matatanda, walang lihim na hindi nabubunyag at ang katotohanan ay talaga namang masakit at mahirap tanggapin. Nakakalungkot mang isipin ngunit maraming mga Pilipino sa ngayon ang labis na nagulat dahil sa naging rebelasyon ng dating beauty queen na si Janina San Miguel patungkol sa mga naging karanasan niya noong nagwagi siya ng korona mula sa Binibining Pilipinas taong 2008.


Si Janina ay isa rin sa pinakakontrobersiyal na beauty queens sa bansa dahil sa naging sagot niya noon sa “Question and Answer” portion ng sinalihan niyang sikat na beauty pageant. Sino nga ba naman ang mag-aakala na mayroon pala siyang mga hindi malilimutang karanasan dito.




Mayroon palang offer sa kaniya noon na 25 milyong piso na mayroon pang kasamang kotse, condo, resort, at iba pa kung papayag siyang makipagrelasyon habang 3 milyong piso naman para sa isang gabi. Sadyang mayroon pala talagang maruming kalakaran kahit sa ganitong industriya.


Maaalalang nasa 17 taong gulang pa lamang si Janina noong nag-uwi siya ng korona sa nasabing patimpalak. Labis din siyang nadismaya noon dahil sa nangyaring insidente na kahit pa nasa labas na ang kaniyang kapatid at ang kaniyang ama ay hindi pa rin ito pinapayagang makausap sila dahil sa diumano ay wala naman silang appointment dito.



Natuklasan din niya ang patungkol sa paglilihim sa kaniya patungkol sa malalang kondisyon ng kaniyang lolo na nakaratay sa ospital dahil sa maaari daw itong maka-distract sa kaniyang pagsasanay. Tatlong buwan bago ganapin ang Miss World 2008 ay tuluyan na ngang nag-resign si Janina at hindi na siya naging kinatawan pa ng bansa sa naturang kompetisyon.


Sa ngayon ay masaya at tahimik na siyang namumuhay kasama ang kaniyang mister at ang kanilang anak. Para sa kaniya ay wala nang mas hihigit pa sa masaya at kumpletong pamilya na mayroon siya ngayon.



Wala ring halong pagsisisi at panghihinayang ang kaniyang nararamdaman dahil sa ngayon ay mayroon na siyang tahimik at simpleng buhay na malayo sa gulo at ingay ng show business.




error: Content is protected !!