Mga Chinese na naninirahan sa Wuhan province masayang nagtipon-tipon sa isang live performance, hindi alintana ang panganib na dala-dala ng pandemya!



Marami tayong naranasang paghihirap at pagsubok dahil sa pandemyang COVID-19 na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nasusugpo sa maraming mga bansa sa buong mundo. Nakakatakot at talagang nakakabahala ang dami ng mga taong mabilis na nahahawa ng sakit na ito at nasasawi dahil sa mga komplikasyon.


Ayon sa mga eksperto, madalas na mga matatanda at mga bata ang nahahawa ng sakit na ito dito sa Pilipinas. Labis ding naapektuhan ang ekonomiya ng maraming mga bansa dahil sa pandemyang ito.



Maraming mga industriya ang talagang naapektuhan at maraming mga negosyo ang kinailangang magsara pansamantala habang ang iba ay nagdeklara na ng pagkalugi. Sa kabila ng mga mahihirap na sitwasyong ito ay labis na ikinabahala ng publiko ang kumakalat na larawan ng mga taga-Wuhan Province kung saan sinasabing nagmula ang nakakahawang sakit na ito.

Ayon kasi sa mga viral na larawang ito ay nagsasaya sila at nagtitipon-tipon dahil sa unti-unti nang bumabalik ang kanilang buhay sa normal. Ang sikat na “Wuhan Maya Beach Water Park” ay punong-puno ng mga taong naka-swimsuit at nakasuot ng goggles habang nagsasaya sa isang electronic music festival.


Ayon sa ilang mga ulat ay nagbukas na sa publiko ang naturang water park noon pang Hunyo makalipas ang halos 76 na araw ng lockdown sa kanilang lugar. Ayon pa sa lokal na media roon ay 50 porsiyento pa lamang ng normal na kapasidad ng naturang lugar ang pinapayagan dito at nagbibigay din sila ng 50% discount para sa mga kababaihang bibisita sa water park.

Maraming mga netizens ang talaga namang nagpahayag ng kanilang mga komento at reaksyon patungkol dito. Karamihan sa kanila ay talagang nagagalit at naiinis dahil sa tila ba walang konsiderasyong pagpapahintulot nila ng mga ganitong klase ng aktibidad.


Lalo na at hanggang sa mga oras na ito ay marami pa ring mga bansa sa buong mundo ang nahihirapan dahil sa sakit na nagmula mismo sa lugar na ito.




error: Content is protected !!