Andi Eigenmann ibinahagi sa publiko kung paano niya nagawa ang “zero waste party” na ito para sa 1st birthday ng anak na si Lilo!



Ang aktres na si Andi Eigenmann ay si Andrea Nicole Guck Eigenmann sa tunay na buhay. Siya ay 30 taong gulang na aktres at modelo.

Hinahangaan siya ng publiko dahil sa angkin niyang kagandahan at sa kaniyang talento bilang isang artista. Sa ngayon ay mas marami pang humahanga sa kaniya dahil sa mas pinili niya ang simpleng pamumuhay malayo sa nakagisnan niyang karangyaan noong siya ay isa pang sikat na artista.



Sa ngayon ay mayroon na siyang sarili niyang pamilya kasama ang kaniyang partner na si Philmar Alipayo na isang kilalang surfer at ang anak nilang si Baby Lilo. Kasama din nila ang panganay na anak ni Andi na si Ellie sa dati niyang nobyong si Jake Ejercito.



Dahil sa sanay na siya sa simpleng buhay kasama ang kaniyang pamilya ay ninais niyang maging “zero waste” ang pagdiriwang nila ng unang taong kaarawan ni Baby Lilo. Batid naman natin na kapag handaan o di kaya naman ay mga pagdiriwang ay tiyak na garbo o enggrande ang ginagawang preparasyon ng marami sa atin lalo na kung unang taong kaarawan ng isang bata.


Ngunit napagdesisyunan ni Andi na bigyang halaga at prayoridad ang ating kapaligiran. Mas nais niyang walang kalat o kahit mabawasan man lamang ang kalat na maaari nilang magawa sa preparasyon at pagdiriwang lamang ng kaarawan ni Baby Lilo.

Ibinahagi niya sa kaniyang YouTube channel ang video ng naging preparasyon nila. Ayon kay Andi plano talaga nilang magkaroon ng “zero waste party” sa Siargao ngunit nabago ang kanilang plano dahil sa nasa Maynila sila ngayon.

Mayroong masustansiyang “smash cake” si Baby Lilo at talaga namang napakaganda ng kanilang naging photoshoot. Ang sikat na si Gideon Hermosa ang kanilang “florist” at gumamit sila ng mga sanga ng puno at tuyong mga bulaklak bilang dekorasyon.

“We aren’t perfect, but we do try our best and that’s also what we’d like to encourage you guys to do is to at least try, as well. Little acts of kindness to our environment will go a long way,” pahayag ni Andi sa kaniyang viral vlog.




error: Content is protected !!