Vanessa Bryant may madamdamin mensahe para sa kaarawan ng namayapang mister na si Kobe Bryant!



Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ang buong mundo dahil sa biglaang pagkawala ni Kobe Bryant. Isa siya sa pinakahinahangaang personalidad pagdating sa larangan ng basketbol.


Ngunit talaga namang nabigla ang publiko nang isang araw ay mapabalita na lamang ang kaniyang pagpanaw at kasama niyang nasawi ang kaniyang anak na si Gigi noong Enero 26, 2020. Dapat sana ay 42 taong gulang na si Kobe nitong ika-23 araw ng Agosto.


Ngunit kahit pa nga wala na siya ay hindi pa rin siya nakakalimutan ng mga taong nagmamahal at humahanga sa kaniya, sa katunayan nga ay nagbahagi pa ng isang nakakaantig na mensahe sa social media ang kaniyang biyuda na si Vanessa. Ayon sa kaniyang viral post ay mahal na mahal at miss na miss na niya ang kaniyang asawa at anak na si Gigi.

Nais niya sanang makasama sila at nang makapagdiwang silang pamilya para sa kaarawan nito. Nasasabik na rin daw siya sa mga yakap at halik ni Kobe.

Maging sa kanilang napakasarap na kwentuhan at tawanan. Nagpasalamat din si Vanessa dahil sa pagpapakita ni Kobe ng wagas na pagmamahal sa kaniya noong nabubuhay pa ito at pagiging mabuting ama para sa kanilang mga anak na sina Natalia, Gianna, Bianka, at Capri.




Sinabi din ni Vanessa na noon pa man ay nais niyang siya ang maunang mawala sa mundo bago ang sino pa man sa kaniyang mga anak at asawa dahil sa ayaw niyang maranasan ang ganitong klase ng sakit at paghihinagpis. Bagamat naging madamdamin ang post na ito ng misis ni Kobe, marami pa ring mga netizens ang humahanga kay Vanessa dahil sa nakakayanan niya ang sakit na dulot ng pagkawala ng kaniyang anak at asawa.


Hindi madali ang kaniyang pinagdaraanan sa araw-araw ngunit mas pinipili niyang mabuhay at maging matatag para sa iba pa nilang mga anak na naiwan sa kaniya.




error: Content is protected !!