Categories: Showbiz

Lyca Gairanod, The Voice Kids Season Grand Winner hindi napigilang maiyak nang bumisita sa dati nilang bahay!

Si Lyca Jane Epe Gairanod o mas popular na nakilala ng publiko bilang si Lyca Gairanod ay 15 taong gulang na singer at aktres sa Pilipinas. Siya ang nagwagi sa kauna-unahang season ng “The Voice Kids Philippones”.

Dahil dito ay nagkaroon siya ng pagkakataong magkaroon ng recording contract sa MCA Music Inc. Sa Tanza Cavite siya lumaki kung saan nangongolekta ng plastik at ilan pang bote ang kaniyang pamilya.

Isang mangingisda ang kaniyang ama habang nangongolekta din ang kaniyang ina ng mga plastik, bote at diyaryo. Para makatulong sa kaniyang pamilya ay umaawit siya sa kanilang mga kapitbahay kapalit ng kaunting pera o di kaya naman ay pagkain.


Talaga namang naging mahirap ang buhay nila noon. Ngunit sa kaniyang pagsusumikap gayundin ng kaniyang pamilya ay nasa maayos at komportable na silang kalagayan sa ngayon.

Sa kaniyang latest vlog ay ibinahagi niya ang muli niyang pagbisita sa kanilang dating tirahan na malapit sa dagat. Hindi madali ang naging karanasan nila dito ngunit napakarami pa rin niyang magandang alaala dito kung kaya naman nanaisin pa rin niyang pagdaanan ang mga bagay na naranansan niya noon dito kasama ang kaniyang pamilya.

Naaalala pa niya ang mga sandaling kinakailangan nilang lumikas dahil sa mayroong parating na malakas na bagyo sa kanilang lugar. Kahit pa nga nasa evacuation center na sila ay iniisip pa rin nila ang magiging kalagayan ng kanilang munting tahanan.

Naroon din naman ang kaniyang lola na siyang nagpalaki sa kaniya noon. Hindi na niya napigilan pang umiyak dahil sa naging mensahe sa kaniya ng kaniyang mahal na lola.

Ayon sa lola ni Lyca ay tinulungan silang makaangat nito mula nang maging matagumpay siyang singer. Kung kaya naman hindi nanaisin ng lola na umalis sa munting tahanan nilang ito na ipinagkaloob sa kaniya ng apo.

Tunay nga na kahit gaano pa siya katagumpay sa ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kaniyang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga bagay na naging rason ng kaniyang pagpupursige sa buhay.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago