Andrea Brillantes masayang ibinahagi sa publiko ang ipinapagawa niyang bahay na malapit nang matapos!



Si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza o mas nakilala ng publiko bilang si Andrea Brillantes ay 17 taong gulang na aktres, modelo, endorser, at recording artist. Talaga namang hinahangaan ng maraming mga Pilipino si Andrea hindi lamang dahil sa napakaganda niyang mukha kundi dahil na rin sa pagiging mahusay niyang aktres.



Ilan sa mga pinakasikat niyang karakter ay Annaliza at Marga Bartolome sa programang “Kadenang Ginto” na pinagbidahan din nina Francine Diaz, Beauty Gonzalez, Albert Martinez, at Dimples Romana. Naging matagumpay ang kanilang programa hindi lamang sa Pilipinas ngunit maging sa iba pang mga bansa.

Halos araw-araw din ay laman ng balita at social media ang mga eksena sa kanilang programa. Dahil sa nagkaroon ng maraming mga proyekto si Andrea ay hindi na rin nakapagtatakang makapagpundar siya ng isang magandang bahay para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.




Ibinahagi niya rin ito sa kaniyang social media account kamakailan lamang. Marami sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang labis na humanga at bumilib sa kaniya dahil sa murang edad ay naisipan na niyang makapagpundar ng sarili nilang tahanan.


Maaalalang Oktubre nang nakaraang taon ay ibinahagi niya sa kaniyang social media post na sinisimulan na nga ang tatlong palapag nilang tahanan. Masayang masaya ang aktres dahil sa natupad na niya ang matagal na nilang pangarap.

Sa “squatter’s area” kasi siya lumaki noon ayon sa kaniyang kwento noong kaniyang kabataan. Nakikitira lamang sila noon sa bahay ng kanilang lolo at lola.

Pangarap din niyang magkaroon sila ng tirahan sa isang sabdibisyon na mayroong hagdan at air conditioning unit. Higit sa lahat, pangarap din niyang magkasama-sama na sila ng buo niyang pamilya.

Gayundin naman ay ipinagpapasalamat niya sa kaniyang mga tagasuporta at tagahanga ang kaniyang mga naging tagumpay. Sa katunayan ay mayroon na siyang 10 milyong followers sa kaniyang Instagram account.

Tunay nga na hindi lamang siya isang mahusay na aktres, isa rin siyang mapagmahal na anak at kapatid sa kaniyang pamilya.




error: Content is protected !!