Magarang bahay ni Paolo Ballesteros sa Antipolo, aakalain mong isang regalo sa panahon ng Kapaskuhan!



Tuwing sasapit ang Pasko sa ating bansa, maraming mga Pilipino ang talagang nasasabik na magdiwang kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Lalong-lalo na ang mga kabataan dahil sa madalas ay namamasko sila sa kanilang mga Ninong at Ninang o di kaya naman ay nakakatanggap sila ng mga regalo sa kanilang mga mahal sa buhay.



Nakakalungkot lamang dahil sa tila maiiba ang Paskong nakagawian na ng maraming mga Pilipino. Dahil sa pandemyang patuloy pa rin nating nararanasan sa ngayon, marahil ay hindi muna magagawa ng mga kabataang Pilipino ang nakasanayan nilang pamamasko sa araw ng Pasko.

Marami ang nanghihinayang, nalulungkot at nadidismaya dahil dito. Ngunit buti na lamang at mayroon pa ring ilang mga tao na nagbibigay ngiti sa labi ng kanilang kapwa kahit sa pinakasimpleng paraan na kanilang makakaya.



Katulad na lamang ng ginawang ito ng sikat na host at komedyanteng si Paolo Ballesteros, nagmukha kasing napakalaking regalo ng kaniyang tahanan sa Antipolo. Sa umaga, makikita ang tila kulay pulang laso na nakapalibot sa itaas na bahagi ng kaniyang bahay at pagsapit naman ng gabi ay talagang matutuwa ang sino mang makakakita nito dahil sa nagliliwanag ito ng husto dahil sa mga “fairylights”.



Ibinahagi din naman niya ito sa kaniyang social media account na mayroon pang caption na “Pasko na sa Antipolo”. Mayroon siyang ibinahaging short video at ilang mga larawan.

Maraming mga netizens naman ang nakapansin nito at hindi rin nila maiwasang mapangiti dahil sa kabila ng mahirap na sitwasyon nating lahat ay talaga namang mararamdaman pa rin natin ang simoy ng Pasko.

Narito ang ilan sa naging komento ng mga netizens patungkol sa napakagandang bahay ni Paolo:

“Nakakahappy naman ‘to!” Pahayag ng isa.

“Brilliant idea….. We need something like this to brighten the gloomy days we’re facing.”Komento naman ng isa.

“Wow, positive vibes, Merry Christmas!” Turan naman ng isa pang netizen.




error: Content is protected !!