Ethel Booba nagtanim ng mga gulay at prutas sa kanilang living at dining room!



Ilan sa mga naging magandang epekto ng ilang buwang “quarantine” sa maraming mga Pilipino ay ang pagkakaroon nila ng interes sa mga halaman. Kung dati rati ay masyado tayong abala upang makapag-alaga ng mga halaman sa loob ng ating mga tahanan, ngayon ay talaga namang usong-uso ito.



“Plantito” at “plantita” ang madalas na tawag sa mga taong nangongolekta at nag-aalaga ng mga halaman. Kamakailan lamang ay maraming mga sikat na personalidad sa bansa ang nagbahagi sa social media ng kanilang mga alagang halaman na ang karamihan ay talaga namang mamahalin!

Ilan sa kanila ay ang aktres na si Aubrey Miles at misis ni Senator Manny Pacquaio na si Jinkee Pacquaio. Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang pagbili, pag-aalaga at pangongolekta ng mga halamang ito ay tila ba parang pagbili ng mga mamahaling bag, sapatos, at mga damit na talagang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa mga taong gumagawa nito. Nakapag-aalis din ito ng “stress” at “anxiety”ayon sa ilang mga ulat.




Hindi rin naman nagpahuli sa uso ang sikat na singer at komedyanteng si Ethel Booba. Nagmukha na kasing “mini garden” ang loob ng kanilang tahanan dahil sa kaniyang mga alagang halaman sa loob nito.


Halimbawa na lamang ang kaniyang mataas na puno ng malunggay at puno ng talong na kapansin-pansing may mga bunga na. Kasama pa ni Ethel ang kaniyang anak na si Baby Michaela. Anak nila ito ng kaniyang partner na si Jessie Salazar. Maliban sa mga naunang halaman ay mayroon din siyang puno ng papaya na nakatanim sa isang paso.

Aakalain mo bang mayroon din siyang ilang puno ng saging sa tabi ng kanilang telebisyon? Mayroon din siyang puno ng gabi sa kanilang sala.

Talaga namang proud plantita rin ang celebrity na si Ethel Booba. Hindi ka lamang makakatipid sa pagbili ng mga bunga ng mga halamang ito dahil masisigurado mo pang sariwa at walang halong kemikal ang mga gulay na ihahain mo sa iyong mahal sa buhay.




error: Content is protected !!