Willie Revillame namura na naman habang tumatawag ng winner sa kaniyang segment na “Tutok to Win”!



Si Wilfredo Buendia Revillame o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si Willie Revillame ay 59 taong gulang na host, singer, songwriter, negosyante, aktor, at batikang komedyante. Isa siya sa pinakahinahangaang personalidad sa show business ngayon hindi lamang dahil sa angkin niyang talento sa pagpapasaya ng mga tao kundi sa kaniyang pagtulong sa mga taong labis na nangangailangan.



Kamakailan lamang ay naging viral ang isa sa mga video niya kung saan muli na naman niyang naranasan ang murahin siya ng isa sa mga taong kaniyang tinatawagan sa segment niyang “Tutok to Win”. Habang tinatawagan kasi ni Willie ang napili niyang winner ay bigla na lamang itong nagmura ng malakas sa national TV!


Ang kaniyang pangalan ay Glaiza 17 taong gulang at kasalukuyang nasa ika-12 baitang. Tinanong siya ni Willie kung nasaan ang kaniyang mga magulang at agad niyang sinabi na nasa bahay lamang ang kaniyang ama at ang kaniyang ina naman ay nagtatrabaho bilang isang “maintenance”.


Agad namang humingi ng tawag ang winner nang malamang totoo ang papremyong handog ni Kuya Wil sa kaniya. Nakatanggap siya ng isang Android tablet at Php20,000 cash mula sa programa.


Pinayuhan naman siya ng batikang host na huwag na muling magmumura kahit ano man ang mangyari dahil sa hindi ito tama lalo na at minor de edad pa siya. Hindi rin naman nakalimutan ni Kuya Wil na payuhang magdasal si Glaiza upang mas maging maayos ang kaniyang buhay at hindi na siya magmura pang muli.



Narito ang naging payo ni Kuya Wil sa mga netizens na maaari pa niyang matawagan sa mga susunod na araw:

“Ang payo ko lang sa natatawagan, kahit na may scam eh wag kayong magmumura. Kasi kung totoo, paano yan? Kasi nag-text ka sa amin… ‘Sana kuya ako ang matawagan mo para pambili ko po ng laptop para sa online class namin.’ Tinawagan ka na, minura mo pa ako.”




error: Content is protected !!