Netizen labis labis ang pagdadalamhati dahil sa pagpanaw ng pinakamamahal nilang aso!



Marami tayong nakikita na mga Pilipinong “certified pet lovers”kung tawagin ng nakararami. Madalas ay nakikita natin sila sa mga malls kung saan dala-dala nila ang mga alaga nilang aso o di kaya naman ay sa ilang mga pasyalan kung saan buhat nila ang kanilang mga alaga.

Talaga namang nakakatuwang makakita ng mga ito, lalo na kung nakasuot pa ng damit o ng “diaper” ang mga alagang aso o pusa. Maging ang kanilang mga pagkain, bitamina at iba pang mga gamit ay suportado din ng kanilang mga nagmamahal na “fur parents”.

Ngunit isa na yata sa pinakamasakit na maaaring maranasan ng mga mapagmahal na “fur parents” ay ang mawala at pumanaw ang kanilang mga pinakamamahal na alaga. Tulad na lamang halimbawa ng netizen na ito na ngangangalang Jenny De Guzman Belleza.



Ibinahagi niya kasi sa kaniyang social media account ang napakasakit na nangyari sa kaniya at sa alaga niyang aso na pinangalan nilang Stitch. Ayon sa naging pahayag niya ay talagang hindi niya matanggap na wala na ang alaga nilang itinuring na nilang parang sarili nilang anak ng kaniyang minamahal.


Dagdag pa niya ay talagang nagsusumikap silang dalawa para mabigayan lamang ng kaniyang mga pangangailangan si Stitch. Nagrenta pa nga sila ng “air conditioning unit” upang maging komportable sa loob ng bahay ang kanilang alaga.

Ngunit ngayon ngang pumanaw na ito ay natapat pang walang-wala silang pera kung kaya naman hindi na nila ito nagawa pang bigyan ng maayos na himlayan. Nagkaganito man ang kanilang sitwasyon ay minabuti nilang sa kanilang bahay na lamang ilibing ang kanilang alaga upang kahit papaano ay kasama pa rin nila ito.

Kung bibigyan si Jenny ng pagkakataon ay nanaisin niya pa ring maibalik ang buhay ng kanilang alaga dahil sa naging napakalaking bahagi talaga siya ng kanilang kasiyahan sa araw-araw. Kung kaya naman hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya alam kung paano nga ba ang kanilang gagawin ngayong wala na si Stitch sa kanila.

Marami din namang mga netizens ang nakiramay sa kanila at nagsabing maging sila ay nakaranas din nito kung kaya batid din nila kung gaano kasakit ang pinagdaraanan ni Jenny sa ngayon.




error: Content is protected !!