Throwback picture ni Jinkee Pacquiao kasama ang mister niyang si Manny Pacquiao at anak na si Jimuel trending ngayon online!



Si Emmanuel “Manny” Dapidran Pacquiao o mas nakilala ng publiko bilang si Manny Pacquiao ay 41 taong gulang na Filipino professional boxer at senador ng bansa. Isa siya sa pinakamahusay na boksingero sa buong mundo na naitala sa kasaysayan.



Taong 2016 nang sumabak na rin siya sa pulitika at hanggang ngayon ay katuwang pa rin siya ng pamahalaan sa pagpapabuti ng buhay ng maraming mga Pilipino. Taong 1999 nang ikasal siya kay Jinkee Jamora at nabiyayaan sila ng limang mga anak. Sila ay sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.

Sa ngayon ay isa sila sa pinakahinahangaang pamilya sa Pilipinas hindi lamang dahil sa kayamanan nila kundi dahil sa pagiging matulungin nila at maka-Diyos. Si panganay nilang anak na si Jimuel ay nagpapakita ng interes pagdating sa pagboboksing at pag-aartista.



Nitong taon lamang ay naging bahagi na siya ng Star Magic. Talaga namang inabangan ito ng marami niyang tagahanga at tagasuporta.


“I’m very happy ‘cause ever since din, I got interested in acting. So I’m very, very happy naman na I’m part of Star Magic now. I don’t want to waste the opportunities na binibigay. And I’m new and I want to try a lot of things. Mahilig ako mag-try ng mga new things.” Pahayag ni Jimuel.


Dahil sa kasikatan na tinatamasa niya ngayon ay hindi na nakapagtatakang madagdagan pa ang mga taong humahanga at umiidolo sa kaniya. Kamakailan lamang ay nagbahagi ang kaniyang ina na si Jinkee ng isang”throwback picture” kung saan makikitang nakasuot sila ng pangkasal ng mister niyang si Manny habang karga niya ang kanilang panganay na si Jimuel.

Mayroon itong caption na: “My eldest @pacquiao.emmanuel ang bilis ng panahon. Mag 20 years old na sya next year #tbt #7monthold #gratefuleveryday.”

Maraming mga netizens ang nakapansin na kahit noon pa man ay talagang cute na cute na ito. Sa ngayon ay kapansin-pansin rin na mas makisig na siya at talagang maraming mga kababaihan ang nagpapahayag ng paghanga sa kaniya.




error: Content is protected !!