Marian Rivera, nag-post ng luma niyang larawan at larawan ng kaniyang anak na si Zia na talaga namang napakalaki ng pagkakamukha!



Si Marian Rivera Gracia-Dantes o mas nakilala ng marami bilang si Marian Rivera ay 36 na taong gulang na Spanish-Filipino commercial model at Kapuso actress. Isa siya sa pinakasikat na artista sa ngayon.



Ilan sa mga proyekto niyang tumatak sa maraming mga Pilipino ay ang “MariMar”, “Dyesebel”, “Amaya”, “Darna”, at “Temptation of Wife”. Isa rin siyang recording artist at nakapaglabas na siya ng dalawang mga studio album, ang “the Marian Rivera Dance Hits” at “Retro Crazy”.




Taong 2014 nang ikasal siya sa sikat ding aktor at host na si Dingdong Dantes. Sa ngayon ay mayroon na silang dalawang mga anak sina Maria Letizia (Zia) na limang taong gulang na at ang isang taong gulang na si Jose Sixto Gonzalez (Ziggy).




Kamakailan lamang ay talagang kinagiliwan ng maraming mga netizens ang larawang ibiinahagi ni Marian kung saan makikita ang dati niyang larawan noong siya ay bata pa lamang at ang larawan ngayon ng kaniyang panganay na anak na si Zia. Ito ang inilagay na caption ng Kapuso actress sa kaniyang viral post: “Parang ako rin daw si Zia noong bata, agree ba kayo?”




Talaga namang napakaganda ni Marian noon at ang kagandahang iyon ay namana ng kaniyang mga anak lalo na ng kaniyang unica hija na si Zia. Hati naman ang naging reaksyon ng maraming mga netizens patungkol sa pagkakamukha ni Marian at ng kaniyang panganay.



Mayroong ilan na nagsasabing parang pinagbiyak na bunga ang magnanay ngunit mayroon din namang nagkomento na mas kamukha ng aktres ang kaniyang bunsong anak na si Ziggy. Tunay nga na wala nang ibang kaligayahan pa ang mga magulang kundi ang makitang lumalaki ng malusog at masaya ang kanilang mga anak.

Walang ano mang karangalan, halaga ng salapi o materyal na bagay ang makakahigit dito. Kung kaya naman talagang binibigyang halaga ng mag-asawang Dingdong at Marian Rivera-Dantes ang kanilang pamilya, ang kanilang pagsasama at ang kanilang mga anak.




error: Content is protected !!