Matandang guro, excited na nagpaturo sa kaniyang anak kung paano gamitin ang “Zoom” ngunit lahat ng kaniyang mga estudyante ay hindi sumipot sa kanilang “online class”!



“New normal” kung tawagin ang pagkakaroon ng mga “online classes” sa halip na magdaos ng klase sa mga silid-aralan. Ito ngayon ang nagiging paraan ng maraming mga bansa sa buong mundo upang kahit papaano ay hindi mahinto ang pag-aaral ng mga estudyante sa gitna ng pakikibaka natin sa pandemya hanggang sa mga oras na ito.

Photo credit: @skinleas / Twitter – Nuha

Ngunit hindi ito naging madali lalo na sa mga guro na may edad na dahil sa hindi naman talaga sila bihasa sa paggamit ng mga “gadgets” at “apps”. Sa kabila nito ay talagang marami pa rin ang nagsusumikap at talagang nagtitiyagang matuto sa paggamit ng laptop, computer, cellphone at ng iba pang mga “applications” o apps.

Tulad na lamang ng naging karanasan ng isang matandang guro sa Malaysia. Ibinahagi ng kaniyang anak na si Nuha ang kaniyang mga larawan kung saan talagang “excited” pa itong magturo sa kaniyang mga estudyante dahil sa wakas ay natutunan na niya ang paggamit ng “Zoom”.

Ayon sa naging pahayag ni Nuha, 8:30 ng umaga ang nakatakdang oras ng klase ng kaniyang ama ngunit kahit 9:00 na ng umaga ay wala pa ring sumipot o nag-online kahit isang estudyante nito.



“Pity my father, he’s conducting a class and not a single one of his students showed up. Until he had to call them one by one, and they didn’t even pick up. They know that my father will call them on days when they have classes, so they turned off their phones,” Pagbabahagi ni Nuha.


Photo credit: @skinleas / Twitter – Nuha

“He almost wanted to Çry because he was so excited when he asked us to teach him how to create a Zoom meeting/Google Meet. But when he created it and no one joined, he got choked up, because only we know how his face was when he was excitedly asking us to teach him.” Dagdag pa niya.

Dahil sa nangyari ay siya na lamang ang nag-“join” sa klase ng kaniyang ama hanggang matapos ang klase nito. Ngunit kahit pa ginawa ito ni Nuha ay nararamdaman niya pa rin ang kalungkutan ng kaniyang ama dahil sa nangyari.

Talaga namang nakakalungkot ang mga ganitong pangyayari. Maaaring marami sa atin ang nahihirapan sa ngayon ngunit may mga magagawa pa rin naman tayo upang ipagpatuloy ang ating mga nakagawian noon tulad na lamang sa ating pag-aaral.




error: Content is protected !!